Advertisers
Habang sinisimulan na rin ng local government units ang vaccination sa general public, kasama na ang minors na 12-17-anyos, patuloy naman si Senators Christopher “Bong” Go sa pamamahagi ng ayuda sa mga pandemic-hit community para makabangon sila sa hamon ng health crisis.
Iba’t ibang sectoral groups sa Batan at Altavas sa Aklan ang tinungo ng grupo ni Go para maghatid ng tulong. Tiniyak ng senador na tuloy-tuloy rin ang mga programa ng Duterte administration para walang maiwan sa pagrekober ng bansa.
Umapela siya sa lahat ng Filipino na ipagpatuloy ang bayanihan at hiniling na manatiling mapagbantay ang bawat isa laban sa COVID-19 habang binabalanse ng pamahalaan ang ekononomiya at kalusugan ng mamamayan.
“Ang atin pong gustong makamit ngayong taong ito ay population protection kapag 50% na po ang nabakunahan, at herd immunity naman po kapag 70% na po ang bakunado sa inyong komunidad,” ani Go.
Nag-organisa ang grupo ni Go ng magkahiwalay na relief efforts sa Batan Sports Complex sa Batan at Odiong Elementary School sa Altavas.
Hinati ang mahigit sa 4,000 beneficiaries sa maliliit na grupo bilang pagsunod sa health protocols at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang mga residente ay binigyan ng essentials gaya ng makakain, food packs, masks, face shields at vitamins.
May ilang residente na nakatanggap ng bagong pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets.
Nauna rito, namahagi rin ayuda ang tropa ni Go sa vulnerable residents ng Kalibo, Banga, Balete, at New Washington.
Kaugnay nito, nasa dalawang linggo na nagsasagawa ang grupo ni Go relief efforts sa Eastern Samar, partikular sa Hernani at Mercedes. Dalawang libong residente ang binigyan ng iba’t ibang tulong sa isang gymnasium.
“Sa aking mga kababayan, isapuso natin palagi na nakadepende sa tamang pag-iingat ang pagpigil ng pagkalat ng COVID-19. Kung hindi tayo makikiisa, mas malalagay sa peligro ang ating sarili at mga komunidad.”
“Kung hindi tayo susunod sa patakaran at tataas na naman ang bilang ng mga kaso, maaaring kailanganing higpitan pa lalo ang quarantine restrictions at magreresulta na naman ito sa pagsara ng kabuhayan. Mas hahaba pa ang kalbaryo natin laban sa pandemyang ito,” ayon kay Go.
Ipinaalala ni Go sa mamamayan na patuloy na magmalasakitan at magbayanihan habang nahaharap ang bansa sa salot na pandemya.