Advertisers
TINAMBAKAN ng Milwaukee Bucks ang Brooklyn Nets upang simulan ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng 127-104, demolition sa Fiserve Forum kahapon.
Tulad nang inaasahan muling nanguna si Giannis Antetokounmpo sa opensa ng defending champion sa kinamadang 32 points, 14 rebounds at seven assists.
Malaking tulong din ang ginawa nina Khris Middleton at Pat Connaughton na may tig-20 puntos.
Sa panig ng Nets nasayang ang ginawa ni Kevin Durant na tumipon ng 32 points at 11 rebounds.
Si Patty Mills ay nagtala ng 21 points kasama na ang pitong three pointers mula sa 7-from-3.
Gayundin si James Harden ay nag-ambag ng 20 points sa unang talo ng team sa pagbubukas ng bagong season ng NBA.