Advertisers

Advertisers

P3.4M shabu nakuha sa babaeng tulak

0 258

Advertisers

TIKLO ang isang babae na big time drug supplier nang kumagat sa buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakuha rito ang kalahating kilo ng shabu nitong Biyernes.
Kinilala ang naaresto na si Ehima Saripada Alafa, nasa hustong gulang, residente ng Quiapo, Manila.
Sa ulat, 4:30 ng hapon nang ikasa ang drug operation laban sa suspek sa parking lot ng SM Fairview, Brgy. Greater Lagro Q.C.
Narekober mula kay Alafa ang 500 grams na shabu na may street value na aabot sa halagang P3.4 milyon, itim na Toyota Revo na may plakang XAJ 376, cellphone at buy-bust money.
Nahaharap si Alafa sa kasong paglabag sa R.A. 9165 or o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)