Advertisers

Advertisers

Tulad ng hula ni Nostradamus

0 265

Advertisers

KAHIT noon pa man ay bantulot na ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang lider ng bansa, di pa rin nawawalan ng pag-asa ang Mayor Sara Duterte Allance (MASADA) na ang mayora ay tatakbo pa rin bilang pangulo ng Pilipinas sa halalang 2022.

Ang MASADA na lamang ang natitirang solid na grupo ng taga-suporta ni Inday Sara na patuloy pa ring gumagalaw, umiikot at nakikipag-ugnayan sa mga lider ng bayan, organisasyon atbp. na magbigkis-bigkis pa rin upang kung sakaling mag-iba ang isip ng mayora at tumakbo ito sa pagka-pangulo ay handang-handa na sila.

Naniniwala ang mga opisyal ng MASADA na sila ang mangunguna sa magiging bagong makinarya sa politika na magdadala kay Inday Sara sa Malacañang. Dahil ang kanilang paniniwala, isang pangitain ng tanyag na manghuhula ang maaaring talagang mangyari dito sa atin.



Ayon sa MASADA, ito ang pangitain ng kilalang si Nostradamus. Inihayag daw ni Nostradamus na isang mahusay na lider ang isisilang sa City of Eagles na siya ring tawag sa Davao City. At ang Pilipinas ay magagaya sa katanyagan na dinadanas sa ngayon ng bansang Israel.

Kahalintulad na pangitain o hula rin daw ito ng isa pang propeta na si Sadhu Sundar Selvaraj ng India, na siyang nagbabala sa mga pangyayaring dulot ng Bagyong Yolanda at ang malakas na lindol sa Bohol. Ayon pa rin sa MASADA tinuran din ni Selvaraj na magiging tanyag ang bansa gaya ng Israel.

Kung magkagayon daw, ituturing si Mayor Sara na “GOLDA MIER ” ng Pilipinas kung tutuloy itong maging pangulo. Ang MASADA kasi ay isa ring salitang Hundyo o ‘Jewish’ na tumutukoy sa isang babaeng lumaban sa pananakop ng mga Romans.

Ito raw ang kanilang gagayahing gagawin na kung tawagin ay “Israel strategy” kung tutuloy si Inday Sara sa pagatakbbo sa pagka-pangulo. Dahil di naman nalalayo si mayora, sapagkat ang lolo nito na ama ng kanyang inang si Elizabeth Zimmerman, ay isa ring German Jew na nakakuha ng visa para makapunta sa Pilipinas kabilang ang 1,300 pang mga hudyong galing sa Europa noong World War II.

Sa pinagmulang kanunununuan ni Inday Sara at ang ipinakikita nitong husay sa pamumuno at ‘political will’, di nga raw malayong maging “GOLDA MIER” ng Pilipinas ang anak ni Pangulong Duterte.



Ang naturang Golda Meir ay isang Israeli politician na nagtatag ng bayang Israel at naging ika-apat na Prime Minister ng bansang iyon na tinagurian ding “iron lady of the Jewish state.”

Pinangungunahan ni Energy Undersecretary Ben Ranque ang MASADA bilang national convenor at ayon sa kanya ang matandang kahulugan ng MASADA na isang babaeng lumaban sa pananakop ng mga Romano ay mangyayari din sa katauhan ni Inday Sara na isinilang sa City of Eagles gaya ng hula ni Nostradamus.

Ito rin daw ang nagtutulak sa kanila, upang pangunahan ang kampanya ni Inday Sara para maging pangulo ng bansa. Magka-totoo kaya ang hula? Abangan!