Advertisers
SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang canteen na nagbebenta ng karne ng aso sa Mapandan, Pangasinan.
Kinilala ang inaresto na si Reah Ellasus.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang ulo, karne at iba’t ibang putaheng aso.
Napag-alaman na dati naring nakulong si Ellasus dahil dito kaya matagal nang minamanmanan ng NBI ang kanyang canteen.
Pansamantalang nakalaya si Ellasus matapos makapagpiyansa.
Paliwag niya sa NBI, nagawa lamang nya ito dahil sa hirap ng buhay. Mas mura raw kasi ang aso at tinatanggkilik ito ng kanyang mga parokyano.