Advertisers
Tinatayang aabot sa P122,400.00 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug den na nagresulat sa pagkakadakip ng limang drug adik sa Purok 1 Brgy, Matain sa bayan ng Subic Zambales.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni Dir. General Wilkins Villanueva kinilala ang mga nadakip na sina Peter Paul Boscano y Pon, 36, drug den maintainer; Sahaya Alonto y De la Torre; Abraham De Guzman y Rafanan, 40 kapwa ng Matain, Subic, Zambales; Ruben San Juan y Acebedo, 31 ng Sitio Sibul, Sta. Maria, Castillejos; at Renato Roxas y Asencio Jr., 27 anyoe ng Mangan-Vaca, Subic.
Nakuha ng mga operatiba ang 18 gramo ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalias at buy-bust money.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Subic Municipal Jail sa kasong paglabag sa RA 9165 na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)