Advertisers
Patay ang isang sari-sari store owner nang saksakin ng lasing na customer sa bahagi ng Zone 1, Newagac, Gattaran, Cagayan.
Napuruhan ng saksak sa kanyang dibdib na sanhi ng kamatayan ng biktimang si Perlito Tobias, 55 anyos; habang ang salarin kinilalang si Ritchie Cabildo, 26 anyos na kapwa residente sa naturang lugar.
Sa ulat, umawat lamang si Tobias sa naggigiriang sina Alvin Tobias, 29 anyos at Cabildo.
Unang sinaksak ni Cabildo ang biktimang si Alvin at pagkatapos binalingan ng galit ang biktimang si Tobias na sinaksak sa dibdib diretso sa kanyang puso.
Hindi na umabot ng buhay sa isang pribadong pagamutan sa Centro Sur Gattaran si Tobias dahil sa tinamong sugat.
Batay sa pagsisiyasat ng kapulisan, nabitin sa kanilang ininom na alak sina Tobias at ang magkapatid na Ritchie at Raymart Cabildo kaya pinipilit nila ang biktimang si Perlito na pagbilhan pa sila ngunit tinanggihan na ng huli dahil malalim na ang gabi at lasing na ang mga ito.
Kung saan dito nagalit si Ritchie dahil ayaw siyang pagbentahan ng alak.
Matapos ang pananaksak sa biktima, agad na tumakas ang mag-utol na Cabildo na kasalukuyan ngayon pinaghahanap ng mga alagad ng batas.(Rey Velasco)