Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA breaking silence ni Aljur Abrenica ay hinamon niya ang asawang si Kylie Padilla na sabihin kung bakit sila naghiwalay lalo na sa puntong kung sino ang talagang naunang nag-flirt sa relasyon nilang mag-asawa.
Sa huli ay binura rin ni Aljur ang naturang post kahit hindi pa ito nasagot ni Kylie. Sa programa ni Jessica Soho, ang “Kapuso Mo Jessica Soho” ay inilabas naman ni Kylie ang kanyang saloobin sa mapanghamon post ng mister.
“Ang daming pwedeng sabihin ko na ikakasira ni Aljur dahil pamilya kami, pero not in media. Pwede ko sagutin yun tanong niya in proper forum,” say ni Kylie.
Diretsahan din sinagot ni Kylie kung nagkaroon siya ng extramarital affair at nadawit pa ang pangalan ni JM de Guzman.
Ayon kay Kylie, nagkausap na raw sila ni JM at pareho raw silang nagulat sa isyu. Humingi ng paumanhin si JM kay Kylie at ganun din naman si Kylie sa aktor.
Inamin ni Kylie na sadyang hindi na siya masaya habang nagsasama sila ni Aljur, as in na-fall out of love siya sa mister na kabaligtaran naman noong hindi pa sila kasal na halos sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo.
Maraming naging problema pero hindi na kinuwento pa ng Kapuso actress ang mga ito bagkus sinabi niya na ang infidelity ay out of the list.
Sa huli ay hiniling ni Kylie kay Aljur na maging mabuti silang mga magulang sa harap ng kanilang mga anak at kailangan nila talaga ang co-parenting. At sana raw ay maging magkaibigan sila para sa kanilang pamilya.
At sa katanungan kung hinahanap ng mga bata ang kanilang ama, sinabi ni Kylie na hinahanap na nga ng mga bata ang kanilang ama, sinasabihan na lang niya ito na magkikita rin daw sila.
***
GRUPONG BINI, AYAW PAAWAT
GRABENG tagumpay ang inaani ngayon ng debut album ng all-female group na BINI, ang “Born to Win” matapos nitong masungkit ang number one spot sa iTunes Philippines Top Albums Chart, at ang mainit na pagtanggap ng fans dahil sa pag-trending nito sa social media. Gumawa ng ingay sa Twitter Philippines ang BINI dahil nag-trending ang #BINIdebutAlbum, BINI GoldenArrowMV Out Now, BINI BornToWin DebutAlbum, #D-DAY BINI THE ALBUM, mga awiting “B HU U R,” “Here With You,” at “Na Na Na,” at ang BINI member na si Mikha.
Nakasama rin sa iTunes Top Music Videos ang debut single nilang “Born to Win” at ang feel-good na awiting “Kapit Lang.” Pumasok din ang “Born to Win” sa Top Albums Chart sa Hong Kong at Thailand.
Samantala, makabibili pa rin ng tickets para sa inaabangang “One Dream: The BINI & BGYO Concert” sa Nobyembre 6 at 7. Ang SVIP tickets ay nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Available din ang VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.
Napapanood din ang docu-series nilang “One Dream: The BINI & BGYO Journey” sa iWantTFC app at website.J
Pakinggan na ang debut album ng BINI sa Spotify at iba pang major streaming sites. Kumuha ng updates tungkol sa BINI at sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang BINI Official.