Advertisers

Advertisers

Hipon Girl ‘KSP’ sa parents kaya madaling maiyak sa mga eksena sa serye

0 257

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

GINANAP ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana nitong Sabado, October 23 sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands sa  Tagaytay Highlands.

Napakaganda lalo ni Carla sa kanyang wedding gown na likha ni Monique Lhuiller.



Inihatid siya sa altar ng kanyang mga magulang na sina Rey “PJ” Abellana at Rea Reyes.

Napakaguapo namn ni Tom sa kanyang suit na likha naman ni Francis Libiran.

Nasunod ang pag-oobserba ng health and safety protocols sa gitna ng pandemya dahil kaunti lamang ang mga tao sa simbahan at lahat ay naka-mask at face shield at sumunod sa social distancing.

Kasalukuyang umeee ang To Have And To Hold na natapos na ni Carla last month ang lock in taping samantalang si Tom naman ay tapos na rin sa lock in taping para sa The World Between Us na magbabalik sa GMA sa November 15.

Kasama ni Carla sa To Have And To Hold sina Rocco Nacino at Max Collins habang sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith naman ang co-stars ni Tom sa The World Between Us.



***

“DITO po sa Never Say Goodbye hindi ko po naiwasan na hindi po matigil yung iyak ko. Sabi nga nila Mama Mosang ano nga daw po, hindi ko pa daw po kayang kontrolin yung emotional, emotion.

“Na nadadala ko pa din po yung mga hugot ko sa buhay kaya grabe po yung iyak ko. Na pag humuhugot po ako,” pahayag ni Herlene Budol alyas Hipon Girl  tungkol sa papel niya sa Stories from the Heart: Never Ever Say Goodbye.

Saang mga partikular na pangyayari sa tunay na buhay niya kaya napapaiyak nang husto si Herlene?

Ano ang pinakamasakit na pinagdaanan niya sa buhay ang palaging nakakapagpaiyak sa kanya?

“Siyempre po yung pamilya,  lahat naman po siguro tayo weakness po natin ang pamilya. So kapag po naiisip ko yung mga pinagdaanan ko sa buhay kagaya ng hiwalay po yung mama’t papa ko, na parang ano po, wala pong nag-aalaga po sa akin simula po nung bata po ako, dun pa lang po yung hugot ko na parang wala akong pagmamahal… walang pagmamahal, ang sakit naman nun,” at tumawa si Herlene.

“Na parang kulang po ako sa atensyon ng mga magulang,  parang dun pa lang naiiyak na po ako pag naisip ko po na yung in character po ako dun sa, dito sa Never Say Goodbye.

“Parang napapasok ko po yung sarili kong buhay po dito sa Never Say Goodbye kapag umiiyak po ako kasi mag-iisip po ako ng mga bagay na malulungkot tapos hanggang sa lumala na ng lumala ng lumala.

“Ang pangit na ng nangyayari sa utak ko, ayun po yung pinaghuhugutan ko.

“Pero turo po sa akin ni Mama Mosang dapat po pag nagkaroon ka ng character dapat po isipin mo yung character mo po mismo, hindi po yung buhay mo kasi mapapraning ka po!”

Bida sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye sina Klea Pineda bilang Joyce at Jak Roberto bilang Bruce.

Gumaganap naman sa papel na Victoria si Lauren Young, Snooky Serna as Susan, Shermaine Santiago as Dr. Darla, Max Eigenmann as Jackilyn, Kim Rodriguez as Lily, Art Acuna as Bernard, Phytos Ramirez as Joshua, Mosang as Nay Cora, Luke Conde as Edwin, at  Herlene as Alana.

Ito ay sa direksyon nina Paul Sta. Ana at associate director Pam Miras.

Napapanood ang Stories from the Heart: Never Say Goodbye weekdays pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.