Advertisers

Advertisers

CAGERS, TALO SA INJURY

0 237

Advertisers

NUMBER one sa Sports ang basketball sa Pinas kaya naman hanggang grassroot, sugod ang young cagers sa maliliit na basketball court kahit pa sa bakuran o mga masisingitan sa kalsada.

Hindi surprising kung hitik sa fine cagers ang mga liga mula collegiate, amateur hanggang professional. Apple of the eye na maituturing ang caging icons partikular sa standouts ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) hanggang sa solo pro league, Philippine Basketball Association (PBA).

Kahit pandemic period, pilit idinaraos ang games sa gitna ng maraming protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).



Limitado man, tuloy ang laban kesehodang 1-Conference lang itong PBA Season 46 tulad last year sa start ng pandemic. Nasa Finals na ang pro league sa Best-of-Seven series ng MAGNOLIA Pambansang Manok HOTSHOTS vsTALK N TEXT Tropang Giga . Nakauna ang TNT sa 2 panalo at sa game 3 naman humirit ang MAGNOLIA, 106-98. Yun lang, trending news ang isang eksena ng aksidente sa Game 3 kaugnay ng flagrant foul ni MAGNOLIA forward JACKSON CORPUZ at pagbagsak ni TNT top forward TROY ROSARIO.

Isang lay-up attempt ang ikinabagsak ni TROY mula pagkabunggo sa sabay nilang lundag ni CORPUZ.

Nagtamo si TROY ng dislocated pinkie finger sa left hand at spinal shock na posibleng dumaan sa surgery. Ayon kay TNT Team Manager GABBY CUI,” Spinal shock causing only 70% sensation on his left leg plus open finger dislocation” ang diagnosis. malamang na hindi makabalik sa Finals.

Php20,000 fine para kay CORPUZ ang ibinaba ng PBA. Hiritng TNT fans, dapat sana plus suspension sa penalty. Hindi allowed angsuspension pag Finals as per sources. Balik-laro sa Finals si CORPUZ.

Well, asahan na po ang hot eyes ng TNT fans. Dapat daw kasi, sinalo na lang ni CORPUZ si TROY para di masama ang bagsak, although sa tingin ng iba, gusto umiwas ni CORPUZ sa contact pero yung contact, automatic from TROY’s body. Kanya-kanyang tingin yan.



Ang malinaw po, injury ang tunay na kalaban ng bawat player. Kahit gaano kagaling, pag injured, automatic, freezed from game bukod sa dusang pisikal. Once naman pong makarecover, posibleng maulit, alalay na rin. Iba siyempre kung walang injury. Hindi basta maiiwasan yun, aksidente sabi nga, pero maiiwasan daw naman ang mas masamang impact kaya kailangan ang mataas na professionalism ng cager sa sportsmanship. Laro lang yan kung ikukumpara sa career at health ng bawat manlalaro. So there!

CALOY YULO, WORLD CLASS ATHLETE NA!

WAGI na naman ng gold medal si CARLOS EDRIEL YULO sa WORLD VAULT CHAMPIONSHIP sa Kitakyushu, Japan nitong nagdaang Linggo, Oktubre 24 sa final score na 14, 961. Bitbit din niya ang 2nd medal na Silver, 15,300 kasunod si SHI CONG ng China, 15.066, na pinangunahan ng gold ni HU XUWEI ng China. Approved na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Php750,000 incentive para sa 2-medal victory ni YULO sa 2021 World Artistic Championships. Obviously, sobrang determinado itong bumangon mula sa di magandang bagsak sa nagdaang

TOKYO Olympics at puwestong 4th place, kung saan highly motivated siya ng 1st ever Olympics gold medal ng Pinas, by HYDILYN FRANCISCO DIAZ.

Congrats. HAPPY READING!