Advertisers

Advertisers

Tamang burahin na ang substitution

0 278

Advertisers

TAMA sina Senador Grace Poe, Joel Villanueva, Nancy Binay, Migz Zubiri at Sherwin Gatchalian sa kanilang panukala na burahin na ang “substitution” ng mga kandidato sa Omnibus Election Code.

Nakasaad sa Section 7 ng Omnibus Election Code na pinapayagan ang pagpapalit ng opisyal na kandidato ng isang rehistradong political party sakaling siya ay mamatay, ma-disqualify o umatras sa halalan.

Pero ang sinasabing ito sa batas ng halalan ay sinasamantala na ngayon ng mga tusong kandidato, matapos gawin noong 2016 nina noo’y Barangay Chairman ngayo’y DILG Usec. Martin Dino at noo’y Davao City Mayor ngayo’y President Rody Duterte. Nag-file ng CoC sa pagka-Pangulo si Dino at nagwidro bago ang deadline ng substitution para palitan siya ni Duterte.



Say ni Gatchalian, ang ganitong proseso ay paglapastangan sa pagiging seryoso ng proseso ng paghahain ng kandidatura. Mismo!

Dapat ideklarang nuisance candidate o buwisit na kandidato ang nagwiwidro at ang nagsu-substitute, maliban nalang kung nasawi o naging inutil ang kandidato bago ang eleksyon.

“Sagrado ang balota. Kaya dapat lamang na pahalaga-han natin ang paghahain ng kandidatura tuwing elek-syon,” diin ng mambabatas mula Valenzuela City.

Dahil kasi sa prosesong ito ng substitution, matapos ang deadline ng filing ng certificate of candidacy (CoC) noong October 8, wala parin pinal na kandidato ang ilang partido. Naging wait and see hanggang hindi natatapos ang 38 days para sa substitution. Nobyembre 15 ang deadline sa substitution.

Ang ginagawa kasi ngayon ng mga trapo (traditional politicians). Pinaghahain nila ng CoC ang kanilang kapartido at pagwiwidrohin at papalitan sa huling araw ng substitution process. Ito’y upang makaiwas ng batikos at mapakiramdaman narin ang galaw ng mga katunggali.



Ang aksyon ng limang senador ay bunsod narin ng ginagawa ngayon ng ilang presidentiables. Tulad nina dating Senador Bongbong Marcos, Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Senador Bong Go at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Marcos ay nag-file ng CoC para sa pagkapangulo ng walang running mate (open), senyales na may hinihintay hanggang Nobyembre 15.

Si Bato naman, last minute ay nag-file para sa pagka-presidente dahil inatasan lang daw siya ni Pangulong Duterte. Ipinagpalagay na siya’y magwiwidro rin, papalitan ni Sara bago ang deadline ng substitution. Hindi nga ba’t sinadya pa niya si Sara kamakailan para ipaalala rito na ang Nobyembre 15 ay “fast approaching”.

Si Bong Go naman ay nag-aabang lang kung isu-substitute siya ni Pangulong Duterte na nag-anunsyo noon na tatakbong Bise Presidente.

Pero maari ring lumaban na si Bong Go dahil tumataas ito sa survey. Maaring siya ang maging Vice ni Marcos kung hindi na nga tutuloy sa pagtakbong pangulo si Sara.

Si Sara ay nag-file ng reelection pero maari pang magwidro at mag-substitute nga kay Bato o kay Bong Go.

Ang mga senaryong ito ang nagtulak sa limang senador para isulong na ang paglusaw sa substitution process. Tama lang!

Oo! Tamang alisin ang ganitong uri ng proseso sa substitution, maliban sa punto ng pagkasawi o pagkakaroon ng matinding sakit ng opisyal na kandidato. Mismo!