Advertisers

Advertisers

VM Honey Lacuna, imposibleng talunin

0 250

Advertisers

HINDI natin masisisi si Congressman Manny Lopez sa desisyon nitong umatras sa pagtakbo bilang mayor ng Maynila, sa kabila ng pag-endorso sa kanya mismo ni Pangulong Duterte bilang kandidato sana ng partido nito para sa kapitolyo ng bansa.

Matagal-tagal din kasing namustura si Rep. Lopez na tatakbong mayor kaya marami ang nagulat sa pag-atras nito, bagamat inaabangan pa rin dahil hanggang November 18 pa naman ang substitution.

Kung bakit hindi ko ito masisisi sa pag-atras ay dahil na din sa kung magpapakatotoo siya, alam niyang hindi niya tatalunin ang kasalukuyang Vice Mayor na si Honey Lacuna dahil sa dami ng nagawa nito para sa mga taga-lungsod.



Kaya nga ito nagkaroon ng COVID mismo ay dahil sa personal niyang pag-asikaso sa mass vaccination program ng lungsod, kung saan madalas sa hindi ay siya pa mismo ang nagbabakuna.

Sa mga matatanda at bedridden o ‘yung mga hindi na kaya ng katawan na magtungo pa sa vaccination sites, pinupuntahan sila sa bahay ni Vice Mayor Lacuna mismo para mabakunahan.

Kaya nga ‘Honey Bakuna’ ang tawag sa kanya mismo ni Mayor Isko Moreno, na siya mismong naglalahad ng lahat ng tulong na ginagawa ni Lacuna para maging matagumpay lahat ng proyekto ng kanyang administrasyon. Ang tulong at suporta ni Lacuna bilang bise-alkalde,doktora at Presiding Officer ng konseho ay hindi matatawaran.

May mga proyekto kasi si Mayor Isko na nangangailangan ng ordinansa at sa lahat ng oras, madalian itong nangyayari dahil nga si Lacuna ang may kumpas sa konseho.

Balik tayo sa isyu ng pag-atras ni Rep. Lopez. Bukod sa dami ng nagawa ni Lacuna sa panahon ng pandemya at pagkakaroon ng kumpletong lineup ng mga kandidato mula sa anim na Congressman hanggang sa 36 na mga konsehal, malaking puntos din ang pagkakaroon nito ng magaling na kandidatong Vice Mayor sa katauhan ni third district Rep. Yul Servo.



Si Servo ay tatlong termino o siyam na taon ding naglingkod bilang konsehal sa Maynila at ngayon ay nasa ikalawang termino na bilang Congressman. Hindi na rin mabilang ang dami ng proyekto ni Servo para sa mga taga-Maynila.

Dahil sa kanila, kampanteng-kampante si Mayor Isko na ipapasa niya ang pamamahala sa Maynila sa mga taong karapat-dapat at siguradong magtutuloy ng lahat ng kanyang naumpisahang mga proyekto, lalo na para sa mahihirap na residente ng lungsod, laluna ng buwanang financial assistance para sa mga senior citizens, mag-aaral, solo parents at persons with disabilities.

Kaya taliwas sa sinasabi ng ilan na iiwanan ni Mayor Isko ang Maynila, maganda pa nga para sa mga taga-Maynila kung mananalo si Mayor Isko bilang Pangulo at si Vice Mayor Honey naman ang Mayor, kasama si Rep. Yul bilang vice mayor dahil tiyak na aalagaan nito ang lungsod at lilingunin ang mga taga-Maynila na siyang nagluklok sa kanya bilang alkalde.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.