Advertisers

Advertisers

Estudyante kakasuhan ng estafa sa ‘di pagbayad ng P500k taya sa online sabong

0 263

Advertisers

DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong swindling o estafa ang 19-anyos na estudyante ng hindi magbayad ng kanyang taya na higit P500,000 sa online sabong sa Maco, Davao de Oro.

Kinilala ang suspek na si Erick John Somadela Suelto, residente ng Purok 2, Poblacion sa nasabing lugar.

Napag-alaman na nagpasaklolo si Jerrelyn Rotimas Acosta sa mga pulis ng hindi nagbigay si Suelto ng kanyang taya na P561,000 nang matalo sa online sabong.



Agad naman na hinuli ng mga pulis ang suspek at inindorso sa Maco Municipal Police Station kung saan kasalukuyan itong nakakulong.