Advertisers

Advertisers

Thunder pinahiya ang Lakers

0 222

Advertisers

OLAT na naman ang Los Angeles Lakers matapos masilat ng kulelat na Oklahoma City Thunder sa Paycom Center, sa Oklahoma City.

Mula sa 26 puntos na kalamangan, hinabol ito ng Thunder para iposte ang kanilang unang panalo mula sa apat na talo.

Ang Lakers ay meron ng tatlong talo at dalawang panalo.



Sinamantala rin ng Thunder ang ikalawang game na hindi paglalaro ni LeBron dahil sa injury.

Nasayang din ang triple double performance ni Russell Westbrook nang magpakita siya ng 20 points, 14 rebounds at 13 assists, habang si Anthony Davis ay nag-ambag ng 30 puntos.

Dinala ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder gamit ang 27 points.

Sa third quarter lamang nagbuhos na si Gilgeous-Alexander ng 17 points para 5-for-7 shooting.

Susunod na makakasagupa ng Lakers ang Cavaliers sa Biyernes, habang ang Thunder bibisitahin ang Golden State Warriors sa Sabado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">