Advertisers

Advertisers

Pinaka-korap sa Customs; at ‘kalokohan’ ng PECO

0 282

Advertisers

KAMAKAILAN binanggit ni Pangulong Rody Duterte ang pangalan ng isang Atty. Jumamil na aniya’y napaka-korap na “tao” ni Customs Commissioner “Jagger”.

Hindi ba naisip ni Duterte na kaya ubod ng korap itong Jumamil ay dahil narin sa bendisyon ng kanyang boss?

Maglalakas ba ng loob si Jumamil mangikil o humirit ng timbre sa smugglers kung wala itong “green signal” sa kanyang boss?



Si Jumamil ay nangungumisyon lang sa kanyang nakokolektong.

Kung korap si Jumamil, mas korap ang kanyang hinahatagan! You know it, Mr. President!

***

MATINDI pala ang ginawa nitong Panay Electric Company (PECO) nung sila ang may hawak ng kuryente sa Iloilo City.

Oo! Ibinuking ng kasalukuyang distibution utility, More Electric and Power Corp (More Power), na nagkaroon ng panibagong panlilinlang sa mga Ilonggo ang PECO. Ito ay ang pagpalabas na tumaas ang systems loss na sinisingil sa consumers na ang numero ay base sa maling kumpyutasyon.



Nabunyag ang kalokohang ito ng PECO nang magsalita sa isang virtual pressconference ang grupong ‘Koalisyon Bantay Kuryente (KBK)’ na kaalyado nito, na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa consumers ng More Power na mataas sa 6.5% na sya lamang itinatakda ng Energy Regulatory Commission.

Ipinaliwanag ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na ang systems loss computation ni KBK President Jose Allen Aquino ay ibinase sa maling formula. Aniya, tanging generation charge lamang ang isinama nito sa kumpyutasyon na ang tama ay kasama maging ang transmission charge.

Kung susundan, aniya, ang formula na ginamit ng KBK halimbawa sa billing ng PECO noong Pebrero 2020 ay tatalbog din sa kanila ang kanilang akusasyon. Dahil lalabas na nasa 8.13% ang kanilang systems loss, mas mataas pa rin kaysa sa ipinalalabas nila laban sa More Power.

Paliwanag pa ni Cabrera, mula nang magsimula ng operasyon ang More Power noong Pebrero ay nasa 6% systems loss lamang ang kanilang sinisingil sa consumers at bababa pa ito pagsapit ng 2021, aabot na lamang sa 5.50% at sa 2022 ay 4.75%.

Mula Mayo 2018 ay nagtakda ng system loss cap ang ERC na siya lamang pwedeng singilin sa consumers. Ang sosobra sa itinakdang cap ay papasanin na ng distribution utility.

Una na ring pinalobo ng PECO ang numero sa naranasang brownout sa Iloilo simula Pebrero 16, 2020 hanggang Hulyo 16, 2020, kungsaan ginawa nitong 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruptions. Ito’y para lamang palabasin ang incompetence ng More Power.

Kaya pinuna ni More Power President and CEO Roel Castro ang kawalang “etiquette” ng PECO dahil narin sa patuloy na pagpapalabas nito ng mga maling isyu at paggawa ng iba’t ibang “tricks” para linlangin ang consumers at guluhin ang magandang serbisyo ng More Power sa Iloilo.

Sinabi ni Castro na may 2 taon na mula nang simulan nilang i-extend ang kanilang “reconciliation hand” sa PECO para sa kapakanan ng consumers, subali’t wala silang nakuhang kooperasyon o anuman mula sa dating distribution utility.

Naintindihan natin, masakit para sa PECO management ang pagkawala ng kanilang may 100 taong negosyo, subali’t nasa linya sila ng public utility at hindi pansariling interes ang dapat na mangibabaw kundi ang kapakanan ng power consumers at ng bung lalawigan sa kabuuan. Mismo!

Ang PECO ay binawian ng legislative franchise ng Kongreso dahil narin sa hindi maayos na serbisyo at reklamo ng madalas na insidente ng sunog at brownouts sanhi ng kanilang sira-sira nang mga pasilidad. Tinanggalan din sila ng Certificate of Public Convenenience and Necessity(CPCN) at business permit mula sa Iloilo City Government. Kaya wala na silang power para maging distribution utility uli sa Iloilo. Period!