Advertisers
Nasamsam ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga pekeng pera na nagkakahalaga ng P 88,000 na gagamitin sa election at pagkakadakip sa isang suspek isinagawang operation sa Cebu City.
Kinilala ni PMGen Albert Ignatius D Ferro, CIDG Director ang suspek na si Ivan Noval Luardo, 35-anyos.
Ayon kay Ferro ang operation ay isinagawa nang makatanggap ng report na nakahanda ang pekeng pera na gagamiting sa nalalapit na National at Local Elections.
Narekober sa suspek ang 70 piraso ng pekeng P500 at genuine na P500 mark money.
Nauna dito, naaresto ang isang Joseph Mercado Salas, 36 anyos, sa paggawa ng mga pekeng mga pera.
Nakumpiska sa suspek ang P24,000 na tig one thousand at five hundred denomination.
Sa pagsusuri ng BSP na ang nakumpiska pera ay peke dahil sa kalawan ng mga ito ng security features.
Nagpaalala naman si Ferro sa publiko na maging mapagmatyag at mapanuri sa mga kumakalat na pekeng salapi o pera sa kanilang lugar. At kung may alam silang ganitong mga illegal na gawain ay agaran ipagbigay-alam sa kanilang CIDG Amigo cops o sa lokal na kapulisan.