Advertisers

Advertisers

Nakausap ko ang 3 presidentiables

0 268

Advertisers

SINO man ang manalo sa ilang top contenders sa pagkapangulo sa Halalan 2022 ay wala tayong problema just in case…

Opo! Maraming beses ko nang personal na nakapanayam si dating Senador Bongbong Marcos, kilala sa tawag na “BBM” ng kanyang supporters. He’s a good man, approachable, maayos na kausap, hindi nagbibitiw ng anumang negatibong pananalita na nakasisira sa kanyang mga katunggali. In fact, sinabi niya na puwede siya kahit sa sinong Bise Presidente sakaling siya ang palarin.

Naniniwala ako na anuman ang naging kasalanan o pagkakamali ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Kadalasan ay anak ang pumupuno o nagtutuwid sa anumang pagkakamali ng ama para mailagay sa tama ang dapat. Mismo!



Ang 21 years na pamumuno (December 30, 1965 – Pebrero 25, 1986) ng ama ni BBM na si Ferdinand Marcos ay isa nang history. Kung ano man ang mga naging mali ng matandang Marcos sa pamamahala at that time, marahil ay hindi gagawin ng anak. Bagkus ay babayaran ito ng anak ng maayos na paglilingkod sa bansa, makabawi sa lahat ng naging kasalanan sa bayan ng mga magulang.

I met Vice President Leni Robredo. Very humble siya, malayo pa ay nakangiti na, malumanay magsalita, pumipili ng mga kataga na hindi nakakasakit kaninuman. Kita mo sa kanyang pagkatao ang katalinuhan, abogada nga, mapagkakatiwalaan at may leadership.

Ang biyudang ito ni DILG Secretary Jesse Robredo ay maipagmamalaki mong walang mantsa ng katiwalian, ayon narin sa taunang ulat ng Commission on Audit (CoA) simula 2016 – 2020. Ang kanyang tanggapan at SALN ay bukas sa gustong magtanong.

Kitang kita naman na kahit kakarampot ang pondo ng Opisina ni VP Leni ay napakarami niyang natutulungan. Sabi nga, basta maayos ang paghawak sa budget tiyak marami ang magagawang programa.

Si Manila Mayor Isko Moreno ay barkada ko, minsan ay kaaway. Nababanatan ko siya ‘pag may nakita akong mali sa kanyang mga ginagawa bilang politiko. Pero never siyang rume-resbak, sa halip ay nagpapaliwanag over a cup of coffee.



Oo! Kaututang dila ko si Yorme. Residente ko siya sa Tondo. “Iskat” ang tawag namin sa kanya. Bago pa sya nadiskubre para maging artista ay palaboy siya sa aming lugar sa Moriones. Kung saan may patay, doon siya, para makalibre ng kain ng tinapay. Hehehe… Ang madalas na almusal ni Iskat noon “pagpag” or “batsoy”. Ito yung mga sobrang pagkain sa mga restoran na kinukuha ng mga magbabasura.

Si Iskat ang pinaka-poorest ang pinagmulan sa lahat ng presidentiables. Ramdam na ramdam niya ang buhay ng isang kahig, isang tuka; basurero, basagulero, whatever ang tawag nyo sa isang palaboy sa kalye.

Pero si Iskat ay nangarap at natupad. Naging mahusay na lider ng Maynila. Malakas ang determinasyon, may command, action agad, may vision… kaya ang mamamayan ng Maynila ay hindi nangapa nitong pandemya. Ang Maynila ang unang-una na nakatapos ng vaccination kontra Covid-19 kaya ang Manilenyo ngayon ay balik-normal na. See!!!

Na-met ko narin sina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson, pero hindi kami ganun ka-close.

Sa tingin ko, sinuman ang manalo sa mga presidentiable na ito, yakang-yaka pamunuan ang mahigit 110 milyong Pinoy at maibangon ang bansa sa pagkalugmok sa pandemya ng virus at korapsyon. Just pick your best choice, mga pare’t mare…