Advertisers

Advertisers

Rey boto kay Tom bilang mister ng anak na si Carla

0 525

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MULI nang mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang 2014 drama fantaserye na tinangkilik ng lahat, Ang Lihim ni Annasandra.

Simula November 15, muling masisilayan si Annasandra, na gagampanan ni Kapuso actress Andrea Torres, isang mapagmahal na anak na ang tanging hangad ay maibigay ang pangangailangan ng kanyang magulang.



Kabilang sa drama series na ito si Mikael Daez bilang William Benitez, isang mayaman na bachelor na namumuno sa marketing department ng kanyang family business at ang love interest ni Annasandra.

Tampok din ang Kapuso hunk na si Pancho Magno na gagampanan ang role ni Enrico, ang  kargador na may lihim na pagtingin at pagmamahal kay Annasandra.

Ang karakter naman ni Rochelle Pangilinan bilang si Esmeralda, na isang misteryosong naninirahan sa bundok, ang naging sanhi sa sumpa ni Annasandra na maging isang awok.

Bukod dito, muling masisilayan din sa Ang Lihim ni Annasandra sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Maria Isabel Lopez, Arthur Solinap, Joyce Burton, Cris Villonco, Gab de Leon, at Erika Padilla.

Ang first sexy fantaserye na ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan, program manager Hazel Abonita, at concept creator na si Wiro Ladera.



Abangan ang pagbabalik ng Ang Lihim ni Annasandra sa darating na November 15, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

***

ISA  sa mga pangarap ng mga ama ang makatagpo ang kanilang babaeng anak ng sarili nilang knight in shining armor.

Ganito ang hiling noon ng aktor na si Rey “PJ” Abellana para sa anak niyang si Carla Abellana.

Kasunod ng pakikipag-isang dibdib ng kanyang anak na si Carla sa kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ni Rey Abellana ang kanyang wishes para sa bagong kasal.

Sa gitna ng naging panayam ng GMA Network sa cast ng I Left My Heart in Sorsogon, unang ibinahagi ng aktor na masaya siya para sa kanyang anak na si Carla.

Sinabi rin niya na welcome ang mister nito na si Tom sa kanilang pamilya.

“First, happy tayo, satisfied tayo. Mainly ako, kabisado ko, siyempre, ‘yung anak ko. Alam ko ‘yung choice niya, alam ko ang mga desisyon niya. Very positive naman with everything. We are very happy and welcome talaga si Tom sa aming pamilya,” sabi ni Rey.

Ikinuwento din ni Rey ang unexpected adjustments na kanilang kinaharap nung mismong araw ng kasal ng kanyang anak.

“In spite of everything, kailangan pa i-relocate ‘yung wedding, ‘yung reception, ‘yung venue… up to the last minute because of the pandemic. Napalayo pa lalo ‘yung pangalawang venue sa original venue na supposedly sa Tagaytay lamang.

“It turned out very smooth, very successful, very happy, enjoy and very memorable. So, salamat naman sa Diyos at naitawid ang lahat ng successful,” kwento ng aktor.

Nang tanungin si Rey kung ilan ba ang gusto niyang maging apo kina Carla at Tom, ito ang kanyang naging sagot, “Honestly, nasa plano nila ‘yan. Nasa choice nila ‘yan.”

Kasunod nito, isang wedding wish naman ang kanyang ibinahagi para sa Kapuso couple.

“I want them to have a happy and successful and loving and forever family. I’m just hoping na it will last forever. Kagaya ng mga vows sa wedding, ‘Til Death Do You Part.’”

Mapapanood si Rey “PJ” Abellana bilang ama ni Heart Evangelista sa pinakaaabangang primetime drama na I Left My Heart in Sorsogon.

Subaybayan ang kanyang walang kupas na acting skills na mapapanood na sa November 15, 2021, sa GMA Telebabad.

Samantala, napapanood naman si Carla sa To Have And To Hold (kasama sina Max Collins at Rocco Nacino) at si Tom ay muling mapapanood sa November 15 din sa The World Between Us kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards.