Advertisers

Advertisers

BoC at DA bulag sa mga ismagler! – Briones

0 384

Advertisers

Ipinahayag ni Agriculture Sector of the Philippine (AGAP) President at 1st Nominee Nicanor Briones na marami at maganda ang mga batas kaugnay sa paglaban sa talamak na smuggling sa bansa pero kulang sa implementasyon para dito at nagbubulagbulagan ang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga ismagler.

Ayon kay Briones, kailangan ipatupad ang batas laban sa mga smuggler na patuloy na nagpapahirap sa sector ng magsasaka partikular na ang ismagling at importasyon sa mga produktong agrikultura, karne ng baboy, manok, isda at mga gulay.

Giit ni Briones na bilyong piso buwis ang nawala sa pamahalaan dahil sa kapabayaan ng Bureau of Customs (BoC) sa pagtugis sa mga smuggler sa nakalipas na limang taon at dahil na rin sa hindi matigil na ‘technical smuggling’ ng iba’t-ibang uri ng produkto.



Sinabi ni Briones, na sa ngayon patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong argrikultura tuwing tinatawag na “Ber” months dahil dumarami ang suplay na dumadating sa merkado at sa kawalang malasakit na rin ng mga opisyal ng gobyerno na sugpuin ang nagaganap na ‘technical smuggling’ ng produktong pang-agrikultura kaya lalong umigting ang nararanasang ‘food shortages’ sa bansa.

Idinagdag nito na mapanganib sa ang mga ismagel na produkto na posibleng may dalang sakit tulad ng bird flu, Swine Influenza, Foot and Mouth Disease, Mad Cow Disease at iba pang karandaman. Ayon kay Briones, ang ganitong dami ng smuggled na gulay hindi dapat nakalulusot sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC). Kung seryoso ang DA at BoC na mahuli ang mga smugglers, kailangan mag-contact tracing sila upang matunton ang mga nasa likod ng smuggling at makasuhan ng economic sabotage dahil isang itong non bailable offense sa ilalim ng RA 10845 kung saan isa ang AGAP Partylist sa mga nagsabatas.

Dismayado ang mga local hog at poultry raisers dahil pakiramdam nila mas pinapaboran ng DA ang frozen meat importers sa halip na isulong ang lokal na industriya.

Daing nila masyado na silang nadedehado at marami na rin ang nawawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy na pagpapasok ng kagawaran ng mga imported na karne sa Pilipinas

Hinimok ni Briones ang pamahalaan na magtalaga ng Anti-Smuggling Task Force kung saan kasama ang BoC, DA, sektor ng magsasaka upang magbantayan at mapigilan ang talamak na smuggling at dapat din magkaroon ng first border inspection upang maharang ang pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikulatura.



Ipinalalabas din sa publiko sa BoC at DA ang mga tunay na pangalan ng mga sangkot sa ismagling ng gulay at kung kinasuhan na ba nila ang mga ito.

Nanawagan din sa pamahalaan si Briones na bawasan ang importasyon, itigil ang smuggling ng mga produktong agrikultura at higit sa lahat proteksyunan at suportahan ang lokal na magsasaka.

Sisiguraduhin ng AGAP partylist, na magtutulungan ang bawat Pilipino upang tangkilikin ang sariling atin at hindi ang mga imported na mga agricultural products.