Advertisers

Advertisers

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Tondo

0 381

Advertisers

ISA ang patay at dalawa ang sugatan kabilang ang menor de edad nang pagbabarilin ng isang lalaki sa Tondo, Maynila, Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Abigail Bolo, 21 anyos, construction worker; ang mga sugatan naman na naka-confine sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ay sina Alia Rose Balondo, 21; at Shienne Chill Galla,13.

Tinutugis na ang salarin na si Jerish Reyes, 22, isang tambay.



Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, 7:55 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa Puro 3, Isla Puting Bato, Tondo.

Nauna rito, kasama ni Bolo ang testigo na si Mariana Oblanca sa pagbisita sa kanyang live-in partner na si Winnie Firmeza sa nasabing lugar nang sumulpot si Reyes sa isang iskinita na armado ng ‘di pa batid ng kalibre ng baril at kaagad pinutukan ang biktima sa leeg at 2 beses sa tiyan.

Tinangka pang tumakbo ng biktima ngunit muli siyang pinatukan ni Reyes dahilan para tamaan naman ng bala sina Balondo at Galla.

Bagama’t pawang naitakbo sa ospital, hindi nakaligtas si Bolo.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">