Advertisers

Advertisers

Heaven umamin, gumastos ng milyones sa ex-dyowa

0 413

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ALIW ang netizens nang mapanood ang kontrobersyal na aktres na si Heaven Peralejo kasama ang dalawa niyang kaibigan sa kanyang vlog.

Sa “Drink or Spill”challenge, sumalang sa kakaibang hamon ang Kapamilya actress.



Sa naturang challenge, may choice siya kung sasagutin niya ang mga tanong na ipupukol sa kanya ng mga kaibigan.

Kung sakaling mag-pass siya, kailangan niyang uminom o mag-shot ng alak.

Sa tanong kung sino ang  first kiss niya, minabuti niyang hindi ito sagutin kaya lumaklak na lang siya ng alak.

Sa huntahan din nila, naibahagi niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ex-boyfriends.

Aniya, tatlo raw ang naging ex bagama’t dalawa lamang ang alam ng publiko pero hindi na niya pinangalanan ang mga ito.



Inamin din niya na sa isang ex niya ay nakagastos daw siya ng kalahating milyon para lamang ipangregalo rito.

Gayunpaman, hindi raw naman siya nagsisisi dahil minahal daw naman niya iyong tao at ganoon daw naman talaga ang nagmamahal.

Tinanong naman ng aktres ang dalawa niyang kaibigan kung sa lahat ng naging ex niya ay kanino boto ang mga ito.

Wala namang kagatul-gatol na sumagot sila na bet nila ang ikalawa sa naging ex nito, meaning, si Jimuel, ang anak ng boxing icon na si Manny Pacquiao.

Naging guessing game naman sa mga katkatera kung kanino naging galante sa pagreregalo si Heaven: kung kay Jimuel o kay Kiko Estrada na huli niyang nakarelasyon.

May mga sawsawera namang humula na walang iba raw ito  kundi si Kiko lalo na’t may “golddigger issue” noon o pagiging ‘bilmoko girl’ umano ng aktres kaya siya  hiniwalayan ng panganay ni Pacman.

Tungkol naman sa estado ng kanyang lovelife, proud na ibinalita ni Heaven na single siya ngayon at nag-eenjoy daw siya sa ganitong sitwasyon dahil napagtutuunan niya ng panahon ang sarili at ang pamilya niya.

Sa ngayon si Heaven ay nali-link sa kanyang leading man na si Gino Roque sa isang upcoming series.

May chism din na nililigawan siya ni Gino na tumatayong producer ng kanilang first team up sa isang serye.