Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KEBER at tila dedma lang ang sagot ni Andi Eigenmann sa makontrobersyal na pahayag ng kanyang ex-boypren na si Albie Casino sa panayam sa hunk actor sa loob ng Bahay ni Kuya, mas kilala bilang Pinoy Big Brother o PBB ng Kapamilya Network.
Kung matatandaan ay nagpapukol si Albie ng mga salitang kinagulat ng mga manonood. Nasabi kasi ni Albie na happy siya sa pagiging super fat ngayon ng dating gf at hindi man lang daw siya nakatanggap ng sorry mula kay Andi sa pagkakaladkad sa kanyang pangalan sa pagbubuntis nito sa panganay na anak.
Sumawsaw sa isyu ang ina at kapatid ni Andi, gayun din naman ang ina at ilang supporters ni Albie, kanya-kanyang pagtatanggol at paliwanag pero ang taong concern ay dedma lang sa mga sagutan.
At mas lalong ikinaloka ng mga supporter ni Andi nang mag-post nga ito for the first time pagkatapos sumabog ang isyu ni Albie, pero ang nakapost ay pawang masasayang litrato ni Andi kasama ang kanyang mga anak at fiance na si Philmark.
Sa kanyang social media account, pinakita ni Andi ang kanilang family Halloween celebration sa isla.
Sabagay, bibihirang pumatol si Andi sa mga intriga sa kanya, wait na lang siguro kung may pasaring pa ulit si Albie.
***
PINAGSAMA-sama ng House of Mentorque ang 7 mahuhusay na Social Media phenoms upang bumuo ng isang boy group at magpamalas ng kanilang angkin mga talento sa pagkanta at pagsayaw.
Ang House of Mentorque ay nakilala sa pagiging dalubhasa sa pamamahala ng mga events ay nag-scout ng mga Tiktokers na ang kanilang mga views ay umabot sa mahigit 1.3 bilyon at 12.5 milyong digital audiences sa buong mundo. Tinawag ang bagong mamahaling boy group na Beyond Zero at binubuo nina Andrei Trazona, Jester Kyle, Duke Cruz, Vieven Aguilar, Wayne Gallego, Khel Figueroa at Mathew Echavez.
Ang Beyond Zero ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay upang mahasa ang kanilang mga kakayahan at habang nasa workshop ay idinudokumento. Ipakikita ang 6 na bahaging dokumentaryo na serye sa KTX.ph simula December 18, 2021, and Jessy Mendiola as the host.
Para higit na makilala ang mga members ng Beyond Zero, sa bawat episode ng naturang documentary series ay ipakikita ng each member ang kanilang personal na buhay at mga sakripisyo na kanilang pinagdaanan bago pa man mapabilang sa Beyond Zero.
Ngayong parating na December 3 ay mapapanood na ang first ever concert ng bagong all male group at ipalalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng KTX.ph.
Guest performers ang Sexbomb Dancers, Maneuvers, Ace Ramos, Mars Miranda, Quest at JROA.
So be the first to witness sa pagningning ng bagong karir ng 7 sikat na Tiktokers na pinagsama-sama at may degree na Beyond Zero.