Advertisers

Advertisers

Heart binash sa kulubot na kilikili, rumesbak

0 664

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA IG post ni Heart Evangelista ay kasama nito ang mister na si Chiz Escudero na nakaupo sa isang upuan.

Nakatingin sa malayo ang mister habang si Heart ay napataas ang kamay suot ang floral bikini.



Maraming nakyutan sa pics ni Heart na katabi si Chiz.

Pero may isang dumaan na basher na tila inokray-okray nito ang larawan ng couple.

Kumuda ang basher at sinabi na kulu-kulubot nga raw ang kili kili ni Heart.

Agad naman niresbakan at binanatan ni Heart ang  basher ng kanyang kili kili.

“HI perfect!’ Once nga raw na may dumadaloy na dugo sayong buong sistema ay may tendency nga raw na umumbok, kumulubot at magka-stretch mark,” pang supalpal ng aktres.



“Tips naman diyan napaka-perfect mo” pang asar pang bira ni Heart sa basher.

Puwede naman daw niya ipa-edit yun para lumabas na flawless.

Pero ayaw nga ng Kapuso actress at gusto nito na maging natural ang mga picture na ipopost nito sa kanyang socmed.

Banat din naman ng followers ni Heart, “Hiyang-hiya naman kami sa skin mo, ligo-ligo din pag may time”, pang okray din ng mga supporters ni Heart sa body shamer na inokray pa ang fashion icon.

Nakatikim tuloy ng bira ang basher kay Heart sa pang-ookray nito sa kili kili ng aktres.

***

Sylvia napagod kay Barang kaya pahinga muna ng 1 year

NA-drained at napagod ang tsika ni Sylvia Sanchez nang makapanayam ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda.

As in, aminado ang aktres na talagang pinagod siya ng role ni Barang sa seryeng Huwag Kang Mangamba.

Itinodo at napiga na nga raw lahat ni Sylvia ang kanyang akting sa nasabing serye.

Kumbaga sa battery ng cellphone ay na-empty bat ito at kailangan mag-full recharge.

Kaya after ng nasabing serye ay buo na ang desisyon ni Sylvia na magpahinga muna at magrelax.

Binigyan naman niya ng 6 months or 1 year ang pagpapahinga nito at sa probinsiya  plano nito manatili.

Para pagbalik nga raw niya pag may bagong offer ay may bago siyang ilalabas na akting.

Never nga raw makalilimutan si Barang dahil dito na-feel ng aktres na napagod nang bonggang bongga.

Well, well, well…’Yun na!