Advertisers

Advertisers

Plant knockout kay Alvarez sa 11th round

0 223

Advertisers

NAGTAGUMPAY si Saul “Canelo” Alvarez sa hangarin niyang magkaroon ng unified WBA, WBC, WBO at IBF world super middleweight title kasunod ng kanyang eleventh round knockout sa dating walang talo na si Caleb Plant sa laban nila na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ang panalo ni Alvarez Linggo ay kauna-unahan sa kasaysayan kung saan napagsama ang naturang mga world titles sa 168 pounds.

Dahil sa tagumpay ni Alvarez kontra Plant, mayroon na siyang 57-1-2 records kasama na ang 39 knockouts.



Si Plant naman ay mayroong hawak na 21-1 records kasama na ang 12 knockouts.

Sa opening round, mapapansing ang tempo ni Plant sa mga binitawang jabs sa ulo at katawan habang umuusad naman paharap si Alvarez para tantiyahin ang maiaalok ng kanyang kalaban.

Nagsimulang magpakawala ng mga kombinasyon si Plant sa second round habang sinubukan naman ni Alvarez ang kanyang opensa.

Lamang si Plant simula sa round three habang patuloy siyang nagpapaulan ng jabs kontra Canelo.

Sinamahan pa ito ni Plant ng mga kombinasyon at side to side movement.



Pero pagsapit ng round six, nakuha na ni Alvarez ang kanyang tempo at nakapagawa na rin ng maayos na tira.

Ang kanyang left hook at right straight ay nakakapasok na pero kinakaya pa ito ng husto ni Plant.

Pagsapit ng round eight ay doon na nakakagawa ng maayos na distansya si Alvarez matapos na paulanan ng suntok si Plant.

Minabuti naman ni Plant na sundin lang ang kanyang game plan, kung saan siya ay naging malikot sa itaas ng lona at nagpapakawala pa rin naman ng mga suntok para lamang mapalayo si Alvarez sa kanya.

Gayunman, napuruhan si Plant nang tumama sa kanya ang left hook na sinundan pa ng right uppercut ni Alvarez dahilan para bumagsak ito sa lona.

Nakabangon pa naman si Plant, pero binakbakan pa siya ulit ni Alvarez.

Tinapos na ng referee ang kanilang laban sa 1:05 mark ng 11th round.