Advertisers
IPAPATUPAD ng liga ang maiksing playoff schedule para sa season-ending PBA Governors Cup na magsisimula sa huling Linggo ng November.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ang top four teams matapos ang single-round eliminations ay may twice-to-beat advantage laban sa kanilang maging kalaban sa quarterfinals. at ang semis ay best-of-five at ang finals ay best-of-seven.
Sa nakaraang Philippine Cup ang top two teams ay nagkaroon ng twice-to-beat advantage habang ang teams seeded third to sixth ay maglalaban sa best-of-three series sa quarterfinals susundan ng semis at finals na parehong best-of-seven affairs.
Umaasa ang liga na simulan ang second conference na tampok ang balik imports sa Nobyembre 28 sa ilalim ng closed-circuit arrangement sa Metro Manila.
Bawat team ay maglalaro ng 11 games.
Ipinahayag ni Marcial na ang fans ay papayagan sa ilalim ng limited capacity, lalo na sa NCR na ibinaba sa less-restrictive Alert Level 2.
Ang Ynares Sports Arena sa Pasig,City, ang unang pinaglaruan ng Philppine Cup noong July, ang maging host ng Governors Cup’ ito rin ang maging venue ng PBA’s inaugural 3×3 tournament.
Ang 3×3 tourney ay magsisimula sa Nov. 20.