Advertisers
OO! Wala pang batas para sa sapilitang pagpabakuna. Kaya ang lahat ng aksyon ngayon ng gobierno para magpabakuna ang ayaw magpaturok ay iligal.
Tulad nitong pananakot ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga benepisyaryo ng 4Ps na hindi makatatanggap ng ayuda kung hindi bakunado kontra COVID-19.
Ang pagbabawal makapasok sa munisipyo o city hall kapag hindi bakunado.
Ang pagbabawal lumabas ng bahay kung hindi bakunado.
Ang pagbawal mag-sex kung hindi bakunado. Ehek! Wala pong ganitong anunsyo ang gobyerno. Pinatatawa ko lang kayo, mga pare’t mare. Hehehe…
Ang Department of Justice ay nagsabi mismo na iligal ang pagbawalan ang mga ‘di bakunado na hindi papasukin sa government offices. Dahil wala pa namang batas ng mandatory vaccination.
Kaya makabubuti na magpanday muna ng batas ang Kongreso para sa mandatory vaccination bago mang-harass ng mga ayaw magpaturok kontra virus.
May mga dahilan din naman kaya ayaw magpabakuna ang iba nating kababayan: Mayroon silang karamdaman, may nerbiyos, takot sa karayom, diabetic, may sakit sa puso. Dagdag pa rito ang pagkasawi ng ilang nabakuna-han. Kaya kahit siguro mandatory pa ang vaccination ay hindi parin sila mapipilit. Kasi nga kapag may nangyari sa kanilang masama, matigok, ay hindi rin naman maibabalik ng gobierno ang kanilang buhay. Mismo!
For me, ‘wag nalang pilitin ang ayaw magpabakuna, ‘wag i-discriminate. Tutal may ilang importanteng protocol namang ipinatutupad tulad ng pagsuot ng facemask. At nagagamot narin naman ang Covid-19, pag-inom ng Vitamin C at ehersisyo.
***
Sa huling datus ng Department of Health (DoH), nasa 26 percent palang ang fully vaccinated kontra Covid-19. Ibig sabihin ay higit sa 28 million palang mula sa target na 70 million ang mga bakunado sa atin.
Isa sa mga dahilan ng mabagal na rollout ng vaccinations ay ang mabagal na pagkilos ng mga LGU sa mga probinsiya.
Sa totoo lang, marami na ang gusto magpabakuna, nasa 70 percent nga ayon sa mga survey.
Ang problema lang ay kulang ang dating ng suplay ng bakuna, kung hindi man ay mabagal ang vaccinations sa mga probinsiya dahil kulang din sila sa vaccinators, hindi katulad sa National Capital Region (NCR) partikular sa Maynila na 24/7 ang kanilang rollout kaya halos bakunado na lahat ng residente nito. Bravo!!!
***
Tumawag sa akin ang isang aktibong miyembro ng CAFGU sa Bacolod.
Nananawagan sila kay Pangulong Rody Duterte na dagdagan naman ang kanilang allowance. Hanggang nga-yon daw kasi ay P4,500 parin ang kanilang natatanggap.
Sa pagkakaalam ko, noon pang 2019 pinadadagdagan ni Pangulong Duterte ang allowace ng CAGFU, pinadodoble. Anyare?
Mahalaga ang papel ng CAFGU dito sa matinding kampanya ng gobyerno laban sa komunistang NPA at mga bandidong grupo sa Mindanao. Sila ang front sa pagtugis sa mga ito. Kaya marapat lamang na dagdagan ang kanilang allowance, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Sir!
47 days nalang PASKO NA PO! Merry Christmas!!!