Advertisers
ARESTADO ang dalawang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil sa pangongotong sa bahagi ng Mabini Ave., Caloocan City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Carlon Villanoche at Ronald Mamorno, kapwa nasa hustong gulang.
Sa ulat, humingi ng tulong sa otoridad ang isang magsasaka mula sa Barangay Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan dahil sa pananakot ng mga nagpapakilalang NPA.
Ayon sa 59-ayos na biktimang si Mang Jose (‘di tunay na pangalan), farm owner, hiningan siya ng P5,000 at kambing ng mga nagpakilalang NPA.
Inaalam pa ng otoridad kung lihitimo ngang miyembro ng rebeldeng grupo ang dalawang naaresto.(Thony Arcenal)