Advertisers

Advertisers

Vice Ganda binisto, may atraso kay Karylle ang dating direktor

0 329

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ngayon sa mga marites at mosang ang naging rebelasyon ni Vice Ganda na tinanggal pala sa dating chat group nila ng ex “It’s Showtime” director ang co-host niyang si Karylle.

Sa twitter, humirit kasi siya na : “May chat group kayo tas may iba pa palang group na lahat sila nandon… ginawa natin kay Karylle ‘yan dati.” Charooooot.”



Dahil dito nag-react ang netizens dahil sa ginawang pag-iitsapuwera nila sa singer-actress.

Although, water under the bridge na raw ito dahil naganap pa ito noong panahong Kapamilya pa ang director, marami naman ang nagsabing unfair daw ito kay Karylle.

Matatandaang ang nasabing director ay nagsapubliko ng kanyang saloobin sa kabilang istasyon hinggil sa tunay na rason ng pag-alis niya sa Kapamilya network.

Aniya, hindi na raw healthy ang pagtratrabaho niya sa Dos dahil sobra raw siyang pressured sa naturang  programa.

Sa nasabing rebelasyon naman ni Vice, hirit ng kibitzers, may atraso pa rin daw ang bangka ng “It’s Showtime” dahil nagpagamit ito sa dating director.



Ito naman ang reaksyon ng netizens sa nabanggit na rebelasyon ng komedyante.

“Kaya pala iba treatment nong ex director kay K dati konti lang exposure. Kung sino pa may mabuting puso yon pa inaapi!”

“Kasama naman pala ‘SILANG LAHAT’ na nasa show na pinagkaisahan nila. Tapos naghuhugas kamay na lang now at nagtututuro na.”

“Matagal na yan nangayari, ok sila sa showtime. at wala na yung direktor na problematic!”

“Kung ako kay karylle aalis nko sa showtime, that’s big deal for me”

“Hahahaha! Hindi lang naman yung Director ang tumabla sa kanya kungdi LAHAT ng kasama sa show!”

“Hindi na kailangan dahil wala na salarin. Grabe ang plastik pala nung ex director.”

“That hurts! Nasaktan ako for her. For sure my reason sila though.”

“Why? Ano kaya ayaw nila kay K.”

“Baka it was during that time na may alitan/tampuhan sina vice at karylle because of yael.”

“Regardless of the reason, hindi maganda na may iniisolate na tao sa isang grupo. Kung may issue sila dun sa tao, kausapin harap harapan. No one wants that feeling na ineexclude ka.”

“Baka siya rin yung tinutukoy noon na part ng Showtime na ayaw kay Kim Chiu. Daming issues pala nung dating director nila.”

“Ang toxic namang magtrabaho sa Showtime, kaloka!”