Advertisers

Advertisers

Isko nanawagan sa publiko ng Pisong txt na suporta sa kanyang kandidatura

0 262

Advertisers

NANAWAGAN ng suporta sa publiko si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno para sa kanyang kandidatura at ito ay sa pamamagitan ng Pisong txt message sa sinumang kakilala na suportahan siya sa kanyang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas kung nais talaga ng pagbabago.

“Kung wala naman kayong piso, me public wifi pwede din naman duon,” sabi ni Moreno sa napakaraming tao na karamihan ay estudyante at kalaunann naman ay mga Calamba City Hall employes.

Sinamahan si Moreno nina Mayor Mel Gecolea at Mayor Justin Marc Chipeco ng Cabuyao at Calamba na kapwa nagpakilala sa kanya sa isang maiksing programa sa Pamantasan ng Cabuyao at sa Calamba City Hall.



Sa kanyang talumpati, sinabi ni Moreno na dahil hindi siya nagmula sa isang political dynasty o mayamang angkan kaya naman umaasa lamang siya sa suporta ng mamamayan.

“Mga bigwigs ang kalaban ko kaya sana ay suportahan ninyo ako kung gusto ninyo ng tunay na pagbabago,” sabi ni Moreno .

Sinabi pa ni Moreno na nang tumakbo siya bilang mayor noong 2019, hinarap niya ang mga political giants at grupo ng mayayamang indibidwal na pinagtulungan pa siya pero siya pa rin ang nanalo sa tulong ng mamamayan ng Maynila.

Binanggit ni Moreno ang kasabihan na mula kay physicist Albert Einstein: “don’t expect different results tomorrow if what you did today is the same as what you did yesterday.”

Sinabi pa ng presidential aspirant na tulad ng maraming Pinoy ay pagod na siya sa away pulitiko ng ilang pamilya at gayundin sa pulitiko na ipinamamana na lamang ang posisyon sa kanilang mga anak. Ang ganitong sìstema, ayon kay Moreno ay walang nagawang mabuti sa ating bansa.



Ayon pa kay Moreno na mas madali para sa kanya kung hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo at sa halip ay reelection na lamang bilang alkalde ng Maynila ang gagawin niya.

Gayunman, hangarin ni Moreno ang magkaroon ng tunay na pagbabago sa bansa na talagang tutugon sa mga pangangailangan ng taumbayan. At ito ang dahilan kung bakit nais niyang maging Pangulo ng bansa. (ANDI GARCIA)