Advertisers

Advertisers

Ai Ai nahihiya sa ginagawang pagtulong, takot ma-bash

0 491

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALA ngang nakakaalam na kapag may unos o bagyo ay isa rin pala si Ai Ai Delas Alas na to the rescue sa pagtulong.

Forever 45 years old si Ai Ai nitong nakalipas na November 11 na  birthday ng Comedy Concert Queen.



Mula nga ng maging 45 ito ay napako na nga sa edad na ‘yun ang komedyana.

Lingid sa kaalaman ng marami ay tumutulong din pala si Ai Ai sa mga naging biktima ng bagyo.

Tahimik lang ito na tumutulong sa kanyang kapwa na nangangailangan at di na nito ipinamamalita pa.

Kaya naman nang ibalita ng TV5 Foundation na ito palang si Ai Ai ay may mga tinutulungan na mga biktima ng unos o bagyong Maring sa Barangay Pacang sa Ilocos Sur.

Imbes nga maging proud ay nahiya pa si Ai Ai nang ibalita ito ng TV5.



Nahihiya si Ai Ai at baka raw may mambash sa kanya dahil sa pagbibigay sa kanya ng titulo na Queen of Philippine Media.

Baka raw sabihin ay nang-aagaw ito ng titulo.

Pero sa kabilang banda ay pinuri naman ng bonggang-bongga ng netizens ang kabutihan  ng komedyana sa mga nasalanta ng bagyo.

Proud mister naman si Gerald Sibayan sa kanyang misis.

***

Utol ni Mahal umalma,  ‘di sa YTC ng kapatid nakalagay ang pagdalaw kay Mura

HINDI itinanggi ng manager ni Mahal na si Jethro Carey na naka-withdraw ito ng pera ng alaga.

Ginamit nga raw ito sa pagpapagamot ng kanyang tatay.

Nagkaintindihan naman sina Jethro at Jason Tesorero, kapatid ni Mahal, na babayaran nito ang nahiram na pera sa namatay na alaga.

Isa na nga lang ang nasisilip ng kampo ni Mahal.

Matatandaan na dumalaw sina Mahal at partner na si Mygz Molino kay Mura para maghatid ng tulong.

Pero natuklasan naman nila na tila sa YTC ni Mygz naka-upload ang video na pagdalaw ng dalawa kay Mura.

May nagsasabi na dapat daw kay Mahal na YTC ito naka-upload. Umabot na nga raw sa 9M something ang views ng episode vlog na pagdalaw nina Mygz at Mahal kay Mura.

Ayon nga sa netizens, mag-share na lang daw si Mygz  sa kaanak ni Mahal ng kita niya sa vlog na pagdalaw nila kay Mura para wala na raw question.

Well, well, well…

‘Yun na!