Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
INIHAYAG sa Novotel sa Cubao nitong Biyernes, November 12, ang walong official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.
Ang taunang festival ay magaganap mula December 25, 2021 hanggang January 8, 2022.
At dahil puwede nang lumabas (with health and safety protocols pa rin) ay sa mga sinehan mismo mapapanood ang mga sumusunod na entries:
A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla (Action Drama mula sa Viva Communications, Inc.) at sa direksyon ni Lawrence Fajardo; Big Night nina Christian Bables at John Arcilla (Comedy mula sa Cignal Entertainment, The Ideafirst Company, Octobertrain Films, at Quantum Films) sa direksyon ni Jun Robles Lana; Huling Ulan Sa Tag-Araw nina Rita Daniela, Ken Chan, Richard Yap at Lotlot de Leon (Romance Comedy mula sa Heaven’s Best Entertainment) sa direksyon ni Louie Ignacio; Huwag Kang Lalabas nina Kim Chiu, Jameson Blake, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez (Horror Trilogy mula sa Obra Cinema) sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.; Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla (Drama mula sa Cinematografica, Plan C, House on Fire, iWant TFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, Inc., AAAND Company, Kawankawan Media, Weydemann Bros., CMB Films) sa direksyon ni Carlo Francisco Manatad; Love At First Stream nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings (Romance Comedy mula sa ABS-CBN Film Productions, Inc at Kumu) sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina; Nelia nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing (Suspense Drama mula sa A and Q Production Films, Inc.) sa direksyon ni Lester Dimaranan; at ang The Exorsis nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga (Comedy Horror mula sa TINCAN) sa direksyon ni Fifth Solomon.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sa ilog, oo sa ilog, magaganap ang Parada ng mga Bituin sa Disyembre 23.
Ang bawat float ng bawat entry na pelikula ay babaybayin ang Pasig River at dadaan sa apat na lungsod : ang Pasig, Makati, Mandaluyong, at Manila.
Ang Gabi Ng Parangal o awards night ay gaganapin sa December 27; abangan kung face-to-face na ito.
Ayon naman sa pahayag ni MMDA and MMFF Chair Benhur Abalos…
“It has been our desire for our theater partners to bounce back to business once again, and we are helping them build the confidence in the movie audiences and encourage them to go back to watching films where they should be enjoyed to the fullest— the cinemas. Thus, this year’s MMFF will be back in the cinemas where they initially and rightfully belong.”
***
UNANG beses naranasan ni Bianca Umali ang lock in taping para sa Legal Wives dahil sa pandemya dulot ng COVID-19; ano ang kakaiba niyang karanasan sa kanilang lock in?
“Siguro po nung first time ko lang po yun na hindi puwedeng lumabas, sa isang lugar. At first I din’t know what to expect plus ang layu-layo pa po ng location namin but when I got there and nung nakakailang buwan na rin ho kaming naka-lock in, I actually got the hang of it.
“And I love being locked in,” bulalas pa ni Bianca.
“Na-enjoy ko po siya. Sobra,” nakangiting sinabi pa ni Bianca.
Ibig bang sabihin, kapag natapos na ang pandemya at puwede na ulit ang regalar na set up na uwian ang taping at shooting, mas nanaisin pa rin ni Bianca ang lock in?
“Para po sa akin yung naging bagong sistema po kasi ngayon ng pagte-taping ng bawat show meron po talagang pros and cons.
“Pero siguro po sa ngayon masasabi ko na I am for yung lock in system kasi iba yung focus, iba yung opportunites, ang daming time, the fact na nandun ka lang, nandun ka lang sa character mo bilang isang aktor, hawak mo yung oras mo para mag-aral, hawak mo yung oras mo sa lahat.
“And I think even personally, ang daming time para mag-reflect, ang daming time magmuni-muni,” at natawa si Bianca,”and those are some of the things that I really enjoy po kasi personally kasi, e.
“Kaya siguro na-enjoy ko ang lock in.”
Kare-release lamang ng kanta ni Bianca na Itigil Mo Na sa ilalim ng GMA Music nitong September 30; available ang Itigil Mo Na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide.
Nauna rito ang Kahit Kailan na debut single ni Bianca nitong nakaraang taon na nominated sa 34th Awit Awards for Best Performance for a New Female Recording Artist at Best Engineered Recording.
Tapos na ring mag-shoot si Bianca para sa third season ng Halfworlds para sa HBO Asia.