Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA ika-25 edisyon ng prestihiyosong Tallinn Black Nights Film Festival (PÖFF), tatlong Pinoy films ang napiling kalahok na mag-compete sa nasabing filmfest na gaganapin sa Talinn at Tartu, Estonia na nagsimula noong Nobyembre 12 at magtatapos sa Nobyembre 28.
Ang pelikulang “Big Night”ni Jun Robles Lana na entry din sa 2021 Metro Manila Film Festival ay bahagi ng main competition ng festival na makakatunggali ang 19 na iba mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matatandaang sa nabanggit na festival din, pinarangalan si Lana bilang best director para sa pelikulang Kalel, 14 noong 2019.
Ang Big Night ay isang dark comedy na tumatalakay sa kuwento ng isang gay beautician na nabulabog ang buhay nang makasama ang pangalan niya sa watchlist ng drug users sa kanilang komunidad.
Binibigyang buhay ni Christian Bables, kasama rin sa cast sina Eugene Domingo, Gina Alajar, Janice de Belen, Ricky Davao, Gina Pareño, Alan Paule, Soliman Cruz, at John Arcilla.
Ang pelikula namang Love is a Dog from Hell ay kalahok sa Rebels with a Cause category ng naturang filmfest.
Si Khavn ay kilala sa kanyang obrang “Balangiga: Howling Wilderness” na nagwagi ng Jury Prize sa 5th Bangkok ASEAN Film Festival.
Ang short film naman na How to Die Young in Manila ni Petersen Vargas ay kalahok sa PÖFF Shorts Competition na nagsisimula mula Nobyembre 16 hanggang 24.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Chairperson nitong si Liza Diño sa pagkakasali ng tatlong Pinoy films sa nasabing filmfest.
“Thank you to our three filmmakers for bringing the Philippines with them in the spotlight at Tallinn Black Nights International Film Festival. We are proud of them. Congratulations for making it to the competitions, and the best of luck to all of them in the coming days,” ani Chair Liza.
Ang Tallinn Black Nights Film Festival, na kilala rin bilang PÖFF (Pimedate Ööde Film Festival) ay isa sa mga A-list film international filmfests na kinikila ng International Federation of Film Producers Associations