Advertisers
KAMAKAILAN lamang ay nagbitaw ng pahayag si misis Leni Robredo, tumatakbong Pangulo ng bansa, na kung siya ang mananalong presidente ng bayan sa halalang 2022, bubuwagin niya ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Marami man siyang dahilan kung bakit niya nais buwagin ang NTF-ELCAC, parang wala naman sa hulog ang mga ito.
Sarili man o may nag-udyok sa pangalawa sa pinaka-mataas na opisyal ng bansa na bitawan ang mga ligwak nitong pahayag, nagmistulang mangmang ang ale, dahil lumalabas na talagang di niya alam ang tungkol sa Executive Order (E O.) 70 na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatag sa NTF-ELCAC.
Maging kayo marahil ay alam na kung ano ang papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC na ang inyong lingkod ay napabilang din bilang media bureau chief ng task force na ito.
“Whole-of-Nation Approach”ang matinding salitang ginamit ng ating Pangulo upang pakahulugan ang mandato ng NTF-ELCAC. Tapusin ang lagpas limang dekadang pamemeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, at tulungang paunlarin ang mga lugar na pineste nito.
Para na rin sa kaalaman ni misis Robredo ang kanyang probinsiya sa Bicol ay isa sa mga lugar na pineste ng komunistang-terorista magpasahanggang ngayon, kaya’t ramdam ng kanyang mga kababayan doon ang mga ginagawa ng NTF-ELCAC.
MISIS ROBREDO may labing-anim (16) na mga barangay po sa inyong rehiyon ng Bicol ang nakinabang na sa programa ng NTF-ELCAC na kung tawagin ay Barangay Development Program (BDP). Ang mga barangay na ito ay nilaanan ng tig-P20 milyong piso na maari nilang gamitin sa pangunahing pangangailangan ng kanilang lugar gaya ng patuvig sa sakahan, kalsada o silid aralan, halimbawa.
Linawin ko lamang po, MISIS ROBREDO, hindi po NTF-ELCAC ang nagsasabi kung saan dapat gugulin ang P20 milyong pondo ng BDP na binibigay o nilalaan sa kada barangay ha, kung di ang mga mismong residente ng barangay.
Sa 16 na barangay sa inyo pong probinsiya g Bicol lumalabas na higit P400 milyon na ang natanggap ng inyong lugar at ng inyo mismong mga ka-probinsiya.
Ang inyong gobernador na si Chiz Escudero ay natutuwa pa nga rito dahil ika-uunlad ng mga barangay niyo ang nasabing ibinigay na mga pondo. 150 barangay pa ang naka-programang bibigyan din ng BDP sa susunod na taon.
Ngayon ay gusto niyo pang buwagin at tapusin na ang task force? Baka yang ligwak niyong pahayag ang mismo ring bubuwag at tatapos sa inyong pangarap na maging Pangulo pa ng bansa.