Advertisers

Advertisers

Bantay Comelec

0 2,396

Advertisers

NAKABABAHALA ang kilos ng mga politiko sa Timog sa mga nakaraang araw, animo nagpapalit damit kung magpalit ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, animo family enterprise ang pamamahala sa bansa. Hindi nasorpresa ang pitak na ito sa kilos na minsang natalakay. Ngunit nakakabahala’y ang kilos ng COMELEC na tila sumusunod kuno sa batas gayung silip sa kilos kung saan ang killing na parang balewala ang gumagawa ng kabalastugan sa batas na kanilang sinusunod.

Malinaw pa sa sikat ng araw na ang pinagsisilbihan ng mga opisyal ng COMELEC ang nag-upo sa pwesto sa mga commissioners kabilang ang kasalukuyang Chairman mula sa Timog. Hindi nakapagtataka gayun katangap-tangap ang palitan ng mga ito. At sa susunod na mga buwan, itatarak ang huling pako sa COMELEC sa pagtatalaga ng huling commissioner sa panahon ni Totoy Kulambo, na isa sa mga naglalaro sa batas na sinusunod ng COMELEC, nakakabahala.

Sa aga ng mahabang panahon sa palitan ng pagpapatala ng mga kandidato sa halalan, daig ang mga teleserye o kabanata na nababasa sa komiks na kailangan ang dami ng media na pumapansin sa palitan ng mga gumaganap na ang dulo’y ang kagahaman ng Hilaga na patuloy na natatakawan sa natikman na kasaganaan ng buhay. Sa natikmang kasaganahan, ayaw nang bumitaw at patuloy ang paghahangad na manatili sa posisyon na sa harap ng batas ginawa ang kanilang kagulangan. Di pa usapin ang sako-sakong salapi na nakulimbat na magagamit sa halalan at ang mga naitalagang mga commissioner na tumatanaw ng utang na loob sa pagkakapwesto.



Pangalawa, huwag kalimutan na hawak ng Timog ang computerized counting machine ngayong halalan na naibigay ng COMELEC muli sa taga Timog na magbigay sa IDG ng bentahe sa halalan. Pangatlo, hawak ng nakabili ng Malampaya na si Dennis da Menace ang 90% control share na nagbibigay sa Luzon ng 40% power energy need, na maaaring magresulta ng outages sa panahon ng bilangan. Hindi kasama dito ang pagdating ng tag-init na karaniwan rason sa power outage sa Luzon at Visayas, lubhang nakakabahala.

Sa haba ng panahon na binigay ng COMELEC sa mga tatakbo sa halalan, tila nabalangkas ng maayos ng grupo ng Timog ng estratehiya upang paikutan ang batas ng pumabor sa kanilang hanay. Kita sa kilos na naka pag scenario setting na at malamang na ang kaganapan sa baba ang ilalabas sa media upang maipakita ang lakas ng kandidatura ng mga kandidato nito sa hanay ng masa. Sa ganitong kalagayan, malinaw na pagagaangin ang tama ng kritisismo sa COMELEC na kahit magkaroon ng mga power outage nakatuon ang tao sa kaganapan sa baba. At pagdadala ng media sa mga balitang ito ang bibilog sa ulo ni Mang Juan na malakas ang kanilang manok sa halalan. Sa kasalukuyan, kita na sa social media ang takbo at kilos na pambibilog ulo na malakas ang anak ti Batac at ganun din si Inday Sapak kahit hindi tumuloy sa panguluhan, nakakabahala.

Malakas ang bentahe ng Hilaga kung pagbabasehan kung paanong kumikilos sa kahinaan sa batas ang COMELEC. Sila ang naglaro sa panahon ng pagkakaroon ng palitan, naka akma sa nais na kilos ni Totoy Kulambo ng mabigyan ng panahon na makipag negosyo sa anak na ‘di mawari ang pag-iisip. At sa pagpasok na gaganapin sa huling araw ng palitan, ang huling master stroke ang nakita na tumakbo sa pagka senador si TK. Na lamang na ang pagkapanalo’t halos nasa kamay ang pagka Senate President, eh di ba wow. Batid ni Mang Juan na kontrolado nito ang COMELEC maging ang F2 Logistics na ginawaran ng komisyon na magbilang sa halalan ng boto at naroon ang hokus picos. Iba talaga paghawak ang nagpapatakbo ng halalan, lalo’t pang bansa. Matuto sa aral ng otso diretso sa 7 oras na power outage.

Subalit huwag lubos na masiyahan at magpakampante sa takbo ng inilatag na scenario ang IDG na pumapabor sa inyo sa kasalukuyan. Kung napag-isipan ang scenario sa darating na halalan tiyak na magkakaroon ng katapat tulad ng naganap noong 1986. Nagkusa ang mga tao na kasama sa bilangan ng magwalk-out at inilabas ang naganap na manipulasyon at dayaan na nagbigay daan sa EDSA People Power na nagpatalsik sa diktador. Ang takda ng panahon ang mananaig at walang makapagbabago nito.

Umuulit ang kasaysayan pabor sa nakararami at sa matuwid. Ang dinanas na paghihirap ng bayan sa loob ng paninilbihan ng IDG hindi na kailangan palawigin at maulit. Ang halalan na inyong pinaghandaan ayon sa inyong paglalarawan tila dominong mahaba na masaling ang isa’y babagsak na ang lahat. Kaya’t pagkaingatan ang kilos na sa haba ng panahon may isang tatayo sa katotohanan na may basbas ng nasa itaas, di ba Gen. Parlade?



Samantala ang inaasahan kay Mang Juan, Aling Marya, Mang Rod at sa balana ang pagiging vigilante sa lahat ng araw na tatakbo dahil hindi titigil ang IDG na gumawa ng paraan upang manatili sa poder. Dahil alang perpektong plano ng kabulastugan kahit nakatago ito sa batas na may butas ng COMELEC para sa palitan ng mga kandidato. Ang kamalian ng unang diktador tiyak na napag-aralan ng upang hindi mauulit at mapanatili ang sarili sa kapangyarihan. At aasa sa ayuda ng kaibigang XI na sila ang masusunod sa lahat ng ibig at ‘di kailangan na may mas hihigit lalo sa pagdedesisyon sa bayan. Ngunit huwag alisin sa isip ng mga ganid, na hindi nagpapagapi ang lahing kayumanggi at tumatayo ito sa katotohanan na balangkas ng kalayaan at ang pagpupursige para sa marangal na lipunan ang siyang tinatayuan.

Sa IDG, patuloy sa paghahanda ang bayan kontra sa madilim ninyong balak. Handa ang bayan sa lahat ng uri ng panlilinlang na balak gawin. At sa bawat hakbang anuman iyon, nakahanda ang bayan na salubungin ng kilos ang halimaw ng Hilaga. Ang aral ng nakaraan ang sandata sa pagkilos kontra darating na dayaan, tutuunan ang magaganap sa baba. Subalit paiigtingin ang bantay COMELEC, F2 Logistics at ang power outage na nakahanda sa araw ng halalan at bilangan. Batid ng bayan na whole sale ang magiging dayaan at gising ang bayan sa bawat hakbang na inihanda ng Hilaga. Mulat ang bawat isa na ang labang hinaharap sa darating na panaho’y laban para sa salinlahi. Babantayan ang COMELEC at mga kasapakat nito. Titikasan ang pagbabantay at hindi matakot na tayuan ang tama. Maging mapagmatyag at ilabas ang bawat paglabag na makikita sa dadaanan na maglalabas sa kulay ng humahawak ng halalan.

Sa kabilang banda, nais kong pasalamatan ang Medical Staff ng Providence Hospital sa maayos na pagganap sa kanilang tungkulin sa pangunguna ni Dr. Eric Yasay, Dr. Nina Zerna, Cita Marie Pena, Lance Roy Aquino at Nino Cato. … Maraming Salamat po!!!