Advertisers

Advertisers

UDM balik Face-to-Face sa Nursing, Physical Therapy Classes

0 320

Advertisers

Balik na rin sa face to face classes ang Universidad de Manila para sa Nursing at Physical Therapy classes.

Ito ay matapos maipasa ng universidad ang isinagawang inspeksyon ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Wednesday, November 17.

Sinabi ni UDM President Felma Carlos-Tria na ang face-to-face classes ay magsisimula sa Huwebes, November 18 para nakapagbigay ng de kalidad na edukasyon na hindi nakokompromiso ang kalusogan ng mga estudyante.



“We look forward to welcoming our Nursing and PT students back to a safe campus. Although these are the first two courses that will go on limited face to face, we are already preparing the facilities for our other programs as well,” ayon kay President Tria .

“All our efforts are geared towards giving Merlions quality education in a safe and conducive environment,” aniya pa

Tiniyak din ng pangulo ng universidad sa mga magulang na ang masusunod ng kanilang estudyante ang safety measure kung saan fully vaccinated na ang lahat ng
empleyado laban sa COVID-19.

Mahigpit din ang koordinasyon ng Manila Health Department at Department of Health upang masiguro na ang mga estudyante ay protektado.

“We have gone beyond the minimum requirements to ensure a safe campus for our students,” pahayag pa ni Tria.



“Our safety measures include following a rigid schedule for disinfection, students staying in the classroom (it will be the instructors who will go to them), implementing a staggered and cyclical schedule to ensure that the students won’t be coming in and won’t be dismissed at the same time, providing alcohol dispensers in every room, and ensuring well-ventilated classrooms,” dagdag pa nito.(Jocelyn Domenden)