Advertisers

Advertisers

Julia nabulilyaso ang pagganap na Valentina ni Darna

0 309

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SI Julia Barretto sana ang target na gaganap na Valentina na kontrabida ni Darna na gagampanan naman ni Jane De Leon.
Dahil lumipat ng management si Julia kaya naman bigo sila na makahanap agad ng kapalitan ni Julia.
Pero si Julia talaga ang first choice ng ABS-CBN bilang Valentina para magkontrabida kay Darna.
Kaya naman nang magpa-audition sila ng mga bagong mukha ay di pa nila carry at walang may kakayahan na magampanan ang mabigat na role ni Valentina.
May mga sitsit na nag-audtion sa panibagong batch sina Yassi Pressman, Ivana Alawi, Janine Gutierrez, Jackie Rice at AJ Raval bilang Valentina.
Ayon naman sa netizens mukhang okey si Jackie na maging Valentina para kalabanin si Darna.
Ilan na bang serye ang ginampanan ni Jackie bilang kontrabida at epektibo naman sa pagiging kontrabida ang dating Kapuso actress.
Sa Nobyembre 19 ay i-anunsiyo kung sino naman ang nakapasa sa pa-audition sa Darna na kinabibilangan nina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ.
Pero kungdi lumipat si Julia ay siya nga ang napipisil ng execs ng Dos na gaganap na Valentina.
***
Venus Diosa Chico Cacnio, ini-enjoy lang ang lovelife
ISA lang ang wish ni Venus Diosa Chico Cacnio aka Venus Lopez para sa kanyang kaarawan, na totally maka-move on silang pamilya sa paglisan ng kanilang mahal sa buhay na si Martin Cacnio, kilala sa tawag sa showbiz na Kuya Mar Lopez ng Big Three Sullivans.
Ito nga raw ang kauna-unahang kaarawan ni Venus na di na kapiling ang ama kungdi ang ina na lang na si Victoria Chico Cacnio.
Kahit sa darating na kapaskuhan at pagpalit ng taon ay dalawa na lang sila ng ina at iba pang kaanak ang kasalo.
Sa kabila ng may pinagdadaanan ay tuloy naman ang selebrasyon ng kaarawan ng dating singer-host-actress noon na si Venus.
May work na kasi din si Venus kaya di na ito visible lumabas sa telebisyon, movie, radio at stage.
Enjoy naman si Venus kahit private citizen na ang peg nito with her lovey dovey na si Papa Oliver.
Di naman tumatanda ang look ni Venus dahil sa kanyang pagiging masayahin. Till now, marami ngang humihikayat na bumalik sa showbiz pero may kondisyon basta bibigyan ito ng regular na raket ay bibitaw agad sa work.
Wish naman nito sa kanyang birthday, happy life with fam, good health, more blessings at happy lovelife.
Happy Birthday Venus!
Well, well, well…’Yun na!