Advertisers
Ke tsongki, shabu, marijuana o ecstasy man yan ay hindi uubra sa atin lalo na sa mga atleta. May mga pagsusuri na regular o random sa mga sporting event. Kung mahuli ay ban ka na sa torneo o pwede ma-forfieit mo iyong korona kung naipanalo mo na.
Marami na ganyang kaso.
Bagama’t hindi ouright na mga adik ang natitiklo nguni’t may nadiskubre na kakaiba sa blood o urine test nila.
Ang huli na nakitaan ng substance na bawal ay si Kiefer Ravena na sinuspinde tuloy ng FIBA taong 2018 pero di malinaw ang partikular na drug.
Sa NBA ay sabit din sina De Andre Ayton, John Collins at Wilson Chandler. Lumalabas kasi sa routine exam na may kasamang gamot ang kanilang iniinom na hindi pinahihintulutan ng NBA.
Mahigpit talaga dapat. Ganyan din sana sa halalan. Huwag patakbuhin ang mga sugapa o nagtitake na illegal na droga.
Gawin mandatory na dumaan sa anti-doping screening ang mga nagpalistang haharap sa bayan.
Kamakailan ay binuhay ng isang kandidato ang balitang cocaine taker ang isang presidentiable.
Noon pa usap-usapan na yan. Na-confine pa nga raw sa basement ng isang ospital sa Makati.
Komo hindi yan requirement ng Comelec ay dapat mag volunteer na lang ang lahat ng humihingi sa atin ng boto.
Mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakamababa.
Yung ayaw alam na this. Simple lang na guilty, Pagkaisahan nating hindi ihalal. Walang puwang sa gobyerno ang mga tulad nila.
***
Nagharap ang Bucks at Lakers noong Huwebes at nanaig ang Milwaukee sa Filserve Forum. Battle yan ng mga paborito na struggling ngayong season. Ilang game nawala si LeBron James para sa Los Angeles. Gayon din si Khris Middleton na matagal hindi nakapaglaro sa Bucks. 8-8 na sina Anthony Davis at 7-8 naman sina Giannis Antetokounmpo.
***
Malamang maantala ang opening ng 2nd Conference ng PBA. Sa halip na sa ika-28 ng Nobyembre ang simula ay mauusog sa unang linggo ng Disyembre. Ang delay ay sanhi ng late arrival ng karamihan sa mga import. Yung mga nasa East Coast kasi ay nagkaproblema sa kanilang mga visa.
5 pa lang ang dumating at 7 pa ang inaantay. Pero aprub na sa Pasig ang venue.