Advertisers
MATINDI ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang Huwebes ng gabi (November 18, 2021) sa kanyang regular na pagharap sa mamamayan sa People’s Address nito kung saan, ibinulgar ni Tatay Digong ang paggamit ng “cocaine” ng isang presidential aspirant.
Bagamat walang binanggit na direktang pangalan ang pangulong Duterte, malinaw pa sa sikat ng haring araw na si Bongbong Marcos ang kanyang pinatutungkulan!
Si BBM ang runningmate ni Inday Sara Duterte na tumatakbo namang bise presidente sa LAKAS-CMD party.
Unexpected ang biradang ito ng Pangulo laban kay Marcos na kilalang kaalyado ng mga Duterte bagamat nagpahaging na si Tatay Digong noong isang linggo na direktang sasabihin nito sa madlang people kung bakit di nito puwedeng suportahan ang batang Marcos.
At para sa inyong lingkod ay eto na po ‘yun!
Sa direkta at mismong pahayag ng Pangulong Duterte, sinabi nito na…
“this presidential bet is a known cocaine user… he came from a very wealthy family and has an influential last name but with a weak character.”
Para itong bombang sumabog na bumasag sa magkabilang eardrums ni BBM at sa milyon nitong mga taga-suporta nito.
Truth hurts ika nga!
“Di bale mo na akong suntukin kesa sampalim mo ako ng katotohanan”!
Ang tanging nasabi lamang ng tagapagsalita ni Bongbong Marcos bilang reaksyon sa makamandag na pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay ganire to quote;
“we don’t feel alluded to… on what has President Duterte said about a presidential bet using cocaine”, ito ang tanging nasambit ni Atty. Victor Rodriguez, spokesperson ni BBM.
Parang natulala ang buong kampo ng mga Marcoses at hilo sa biglaang pangyayari
Buong araw ng Biyernes, hinabol ng iba’t ibang media entities at reporters ang kampo ng mga Marcos ngunit walang naging opisyal na tugon o pahayag ang mga ito as of this writing.
Para sa inyong abang lingkod, shock at matinding dagok ang naging pahayag na ito ni Tatay Digong sa isyu ng paggamit ng “cocaine;” ng isang presidential aspirant na parang isang “guided missile” na tumama nang direkta kay BBM.
All indications and directions point to a single person, and that is Bongbong Marcos.
Maging ang mga katulad ni BBM na kandidato sa pagka-Pangulo nang tatanungin ay unanimous ang kanilang tugon at reaksyon na iisang tao lamang ang pinatutungkulan ng Pangulong Duterte.
Bagamat walang tunog ang mga pipi nilang pahayag patungkol sa pangalan ng nasabing kandidato, kahit munting bata ay makakapagsabing si BBM ang tinukoy ng ama ni Inday Sara Duterte.
I can’t imaging how Bongbong Marcos feels about it since sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay silang dalawa ni Inday Sara ang magkausap planning their political strategies matapos mabuo ang kanilang tinaguriang Dream Team tandem.
Parang masong inihampas sa pader ng tambalang BBM-Sara ang naging pagbubulgar na ito ni Pangulong Digong.
“ Cocaine-user”, dadalawang kataga na tila biglang gumiba sa tambalang sinasabing invincible tandem and run-away winners na sa presidential and vice presidential elections come May 8, 2022.
Malaking epekto rin ito sa relasyon ni Inday Sara hindi lamang kay BBM kundi sa buong pamilya
Marcos at sa mga taga-suporta nito.
May ilang panahon na ring matalik na magkaibigan sina Inday Sara at Senadora Imee Marcos na ate naman ni BBM.
After all the things that had been said and done, ito na marahil ang maglalagay ng tuldok sa relasyong Duterte at Marcoses.
Nalusaw ang gahiblang pag-asa ng pag-aalyansa ng mga pamilyang ito para sa nalalapit na Eleksyon2022.
But knowing pretty well the true character of Inday Sara, the rebel daughter in her,abangan po natin ang mas matitindi pang kaganap sa mga darating na panahon.
Inday Sara Duterte will surely be back with a vengeance.
Mukha ni Inday Sara ang nasalang sa malaking kahihiyaan sa mga Marcoses dahil siya ang nakadikit sa mga ito.
Si Inday Sara din ang tiyak na bubuwelta sa ginawang ito ng kanyang mismong ama!
I can’t imagine the magnitude ng gulo at iskandalong sasabog!
Resbak na yayanig naman sa tenga ni Tatay Digong at kay presidential bet Bong Go na lantarang sinusuportahan ng kanyang amang presidente
Tiyak na masasapol sa counter-atake ng kabilang panig ang nananahimik nating idol na si Senator BG.
Marami pang nakapaligid na personalidad sa Pangulong Duterte ang nangangambang sila ay maging bahagi ng tinaguriang “collateral damage” in war that has just begun between the father ang the prodigal daughter!
Bagamat gibaan ito at batuhan ng putik, rest assured my beloved countrymen na balibagan ito ng mga “GOSPEL TRUTH” na bagamat masakit sa tenga ay mga tunay na akusasyong malaon at may ilang panahon na ring nakatago sa ‘closet’ ng mga Duterte at Marcoses.
Ang masakit, sino ang makikinabang sa durugan ng lahi ng mga Marcos at Duterte na ito?
May kasabihan tayong mga Pinoy na…
“Di bale ka nang masawi o mapatay sa kamay ng isang kalaban, ‘wag lamang sa kamay ng isang kaibigan, worst ay sa kamay ng mismong kadugo mo pa”!
Sadyang nakakalungkot at nakakapanglumo, mawawasak ang pami-pamilya at pagkakaibigan nang dahil sa punyetang pulitika!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting