Advertisers

Advertisers

2 karnaper timbog sa Taguig

0 342

Advertisers

TIMBOG ang dalawang miyembro ng carnapping group kabilang ang isang babae sa Taguig City, nitong Huwebes.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Jabar Naga, 27; at Janye Avila, 41, miyembro ng Berto Carnapping Group.

Sa report, 3:30 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa Dalampasigan St., Barangay Lower Bicutan, Taguig City.



Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mariam G Bien ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 dahil sa kasong paglabag Anti-Carnapping Act t ng 2016. (RA 10883).

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Taguig City Police Custodial facility. (Gaynor Bonilla)