Advertisers

Advertisers

Panukalang i-regulate ang pagbebenta ng vapes, e-cigarettes lusot na sa Kamara

0 222

Advertisers

PASADO na sa House Committee on Trade and Industry ang panukala para sa pag-regulate ng paggawa, pagbebenta at distribusyon ng vapes, e-cigarette at iba pang electronic nicotine at non-nicotine delivery systems (ENDS/ENNDS).
Ayon kay Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, Chair ng Komite, magbibigay daan ang naturang hakbang upang mapababa ang paglaganap ng iligal na pagbebenta sa mga menor de edad ng naturang mga produkto.
Sa ilalim ng panukala, ang mga 18-taon gulang pataas lamang ang papayagan na makabili, magbenta at gumamit ng electronic nicotine at non-nicotine delivery systems at heated tobacco products.
Obligado ang mga retailers at online sellers na i-verify ang edad ng bumibili sa pamamagitan ng paghingi ng anumang government ID na may larawan, edad, o petsa ng kapanganakan.
Lilimitahan na rin ang “flavors” ng vape na sinasabing nakakahikayat sa mga kabataan.
Hindi naman maaaring magbenta ng lahat ng uri ng e-cigarettes 100 metro ang layo mula sa mga paaralan, playground o mga lugar na madalas na binibisita ng mga menor de edad.
Nakapaloob din sa panukala na dapat ay child-resistant, tamper-resistant, at protektado laban sa pagkabasag o anumang leakage ang mga lalagyan ng e-cigarettes. (Henry Padilla)