Advertisers
KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P2.5 bilyong halaga ng mga ismagel at pekeng produkto sa isinagawang operasyon sa Pasay City nitong Biyernes.
Bitbit ang Letter of Authority na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, sinalakay ng mga tauhan ng BOC Intelligence Group (IG), Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division (CIIS-IPRD), at BOC-Port of Manila (BOC-POM) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang One Logistics Center sa Taft Avenue Extension, Pasay City.
Ang inspeksyon ay humantong sa pagkatuklas ng posibleng Intellectual Property Right (IPR)-infringing goods at pinaghihinalaang smuggled na pekeng kalakal. Nasaksihan ng mga tagasuri ng BOC, mga miyembro ng CIIS-IPRD, AFP, at PCG, ang pagsasagawa ng paunang imbentaryo ng mga kalakal na nakaimbak sa Logistics Center kung saan nadiskubre ang mga pekeng branded na produkto tulad ng Christian Dior, Gucci, Channel, Louis Vuitton, Fendi atbp. (Jocelyn Domenden)