Advertisers
NITONG nakalipas na Biyernes, panauhin namin sa lingguhang ‘Meet the Press’ ng National Pres Club si Partylist Representative Nick Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP).
Inilabas ni Briones ang kanyang matinding pagkabuwisit kay Agriculture Secretary William Dar dahil sa aniya’y grabeng hirap at pagkalugi ng mga magsasaka dito sa panahon ni Sec. Dar.
Partikular na tinukoy ni Briones ang problema ng mga magbababoy sa African Swine Fever (ASF) na aniya’y wala manlang ginawang solusyon si Sec. Dar. Inutil daw itong si Dar. Walang silbi!
Ang alam lang daw ni Sec. Dar ay mag-import nang mag-import ng agricultural products dahil malaki ang kita nila rito. Araguy!!!
Kaya nagpulong daw silang nasa sektor ng agrikultura na magkaisa sa paghalal ng mga kandidato partikular sa pangulo sa darating na halalan.
Aniya, nasa 18 milyon ang botante ng agri sector plus ng COOP sector. Ang bilang na ito, kapag nagkaisa, ay kayang magpanalo ng presidente at mga senador. Si Pangulong Rody Duterte ay nagkaroon lamang ng higit 16 milyon boto noong 2016.
So far, sabi ni Briones, nakausap na nila sina presidential aspirants Manila Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.
“Kung sino sa mga presidentiable na ito ang makapagbigay ng magandang programa para sa agrikultura ay siya ang makakukuha ng agri votes,” diin ni Briones.
Bagsak na bagsak nga kasi ngayon ang sektor ng agriculture dahil sa pagbaha ng mga imported na produkto. Hindi na kayang makipagsabayan ng ating mga magsasaka sa presyo ng mga produkto mula China, Vietnam, Taiwan at iba pang bansa na sobrang mababa.
“Kaya dapat nang wakasan ang problemang ito, kailangan nang magkaisa ang mga magsasaka sa darating na eleksyon. Pipili kami ng pangulo na makalulutas sa problema sa agrikultura. Agri votes ang solusyon namin,” diin ni Briones.
Pero ayon sa political analyst na si Ramon Casiple, ma-labo mangyari ang sinasabing agri votes o coop votes ni Briones. Halimbawa aniya sa Davao, maraming magsasaka rito ang natulungan ni Duterte. Tiyak na hindi sasama ang mga ito kina Briones sa gustong kandidato na su-suportahan. Ang ihahalal ng mga ito ay ang mga iendorso ni Duterte.
Anyway, naniniwala ako na napakalaking puntos nga itong agri at coop votes kapag nangyari sa susuporta-hang presidentiable at senatoriables.
Kaya sa ating presidentiables, ilagay ninyo sa No. 1 ng inyong mga plataporma ang agrikultura, kung paano ito ibangon sa pagkalugmok dahil sa kaululan ng kasaluku-yang administrasyon. Mismo!
***
Nananawagan tayo sa Intramuros Administration: Ipagawa nyo naman ang lubak lubak na kalsada dyan sa harap ng BPI patungong Bureau of Immigration. Aba’y marami nang sasakyan ang nasira dyan, sumayad ang transmission sa pagkahulog ng gulong sa malalalim na lubak. Puros nalang kayo koleksyon, ipa-espalto nyo naman ang mga lubak sa Intramuros area! Kailangan pa bang si Pres. Duterte ang magmando sa inyo? Peste!