Advertisers

Advertisers

Kahit super rich… Gretchen ‘di nahihiya kung umulit ng damit

0 261

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALA namang problema para kay Gretchen Barretto kung umulit ito ng damit na kanyang isusuot.

Sa post nito sa kanyang socmed ay ipinakita nito ang sandamakmak niyang damit.



Ubra pa naman gamitin ang mga dati nitomg damit at mukhang bago pa rin ang dating nito.

For sure na isang beses lang niya nagamit ang damit na kanyang inuulit suutin.

It’s a blessing naman para kay Gretchen na ang mga dati nitong damit 10, 15 at 20 years ago na ay kasya pa rin sa balingkinitan niyang katawan.

Mas mataba pa nga raw siya dati nung early 20’s niya kaya natutuwa naman ang lifetime partner ni Tony Boy Cojuangco na fit pa rin ito kay Gretchen.

At ipinangalandakan ni Greta na di naman daw siya nahihiya kung umulit siya ng damit after decades or more.



Dahil sa pag-ulit ng pagsuot ng damit ni Gretchen ay makakatipid na nga raw ito at di na bibili pa ng bago.

***

JANINE HAPPY SA TIPS NA BINIBIGAY NG CO-STARS SA SERYE

ILAN  na nga rin ang pinagbidahan ni Janine Gutierrez sa dati nitong home network, ang Kapuso.

Inamin nito na wina-watch pa rin niya ang mga kasamahan sa serye ngayon na sina Sunshine Dizon, Vina Morales at Cherry Pie Picache.

At dahil doon ay nakakakuha pa rin ng mga teknik si Janine.

Kaya naman pinasalamatan nito ang itinuturing niyang mga ate, tita or nanay sa Marry Me, Marry You na sina Shine, Vina at Cherry Pie.

Bukod naman sa pinapanood niya ang mga ito sa kanilang mga eksena ay may i-advise rin ang mga ito sa anak ni Lotlot De Leon.

Natuwa naman si Janine na kahit bagito lang  sa pagiging Kapamilya ay tinangkilik naman ang kanilang serye.

Dahil sa mga teknik na napanood nito sa mga kasamahan ay may mga tips din ibinigay kay Janine ang mahuhusay na aktres.

Kaya asahan na nga raw na kapag meron itong bagong project ay i-apply nito ang mga tips na kanyang nakita at ipinayo sa kanya.

Well, well, well…’Yun na!