Advertisers
PUMANAW na sa edad na 124 anyos ang pinaniniwalaang pinakamatandang Pilipinong nabubuhay sa bansa nitong Lunes, Nobyembre 22.
Ala-sais ng gabi nang sumakabilang buhay si Francisca “Lola Iska” Susano.
Isang butihing ina si Lola Francisca na may 13 anak.
Noong Setyembre 11, nagdiwang ito ng ika-124 nitong kaarawan ngunit bigo na pormal na makilala bilang ‘Oldest Living Person’ ng Guinness World Record dahil sa kakulangan ng dokumento.
Base sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment galing Arles, France, isinilang ng February 21,1875 at namatay sa edad lamang na 122 years ang kinikilala sa ngayon na oldest living person in the world.
Ayon sa mga kasama ni lola, mahilig itong kumain ng gulay at prutas kung kaya malusog pa ito sa edad na 124.
Si Lola Francisca ang kaisa-isang Filipino na naabutan ang pamamalakad ng 16 presidente ng Pilipinas, mula kay Emilio Aguinaldo hanggang kay Rodrigo Duterte.