Advertisers

Advertisers

899 bagong kaso ng COVID-19 naitala

0 435

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 899 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Sabado ng hapon.

Mas mataas ito ng kaunti sa 863 COVID-19 cases na naitala noong Biyernes ng hapon.

Batay sa case bulletin #623 na inilabas ng DOH, nabatid na sa kabuuan, umaabot na sa 2,831,177 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.



Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,052 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 49.0% ang mild cases, 22.77% ang moderate cases, 15.0% ang severe cases, 6.9% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit, at 6.3% naman ang critical cases.

Mayroon din namang 1,667 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,765,920 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 188 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 48,205 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.70% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Tabangcura- Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">