Advertisers
ARESTADO ang limang “adik” nang salakayin ang isang drug den sa Subic, Zambales nitong Sabado.
Ayon kay Police Provincial Director, Colonel Romano Cardiño, naaresto ang operator ng drug den na si Waldo Miranda, 61 anyos, kasama ang apat na sina Jeffrey Doctolero, 44; Alvin Villas, 44; Ronaldo Miranda, 39; at Michelle Limuran, 38. Nasamsam sa lugar ang P111,280 halaga ng shabu.
Nakumpiska rin ang walong sachet ng ilegal na droga na may timbang na 17.12 na gramo at P500 na buy-bust money.