Advertisers
TUMITINDI ang pulitika. Salubungin natin ang init sa paglulunsad ng isang kilusan ng mga mamamayan para sa isang maayos na halalan. Ito ang kilusang 10X10 Movement, o Ten Times Ten Movement, o Kilusang Sampu Ulit Sampu.
Simple ang kilusan na ito. Kung isa kang mamamayan na nagmamahal sa demokrasya at nais mo na manalo ang matino at mahusay sa halalan sa 2022, kumbinsihin mo ang sampu sa iyong pinakamamalapit na kaibigan at kamag-anak na ihalal ang nais mong ikampanya.
Pero sabihin mo sa sampung kaibigan na kumbinbinsihin ang sampu nilang kaibigan na ihalal ang nais nila. At sabihin na kumuha uli ng sampu pa kaibigan. Hanggang dumami ng dumami. Pero piliin ang ikakampanya. Huwag iyong adik, sinungaling, magnanakaw, at kriminal, o kandidato na hindi nagbabayad ng buwis. Huwag iyong tumanda sa mundo na walang napatunayan sa buhay kundi siya ay labis na mama’s boy.
Huwag ikakampanya ang kandidato na hilo o hindi alam ang paninindigan sa mga usapin ng bayan, o iyong kandidato na tumalikod sa habla, nawala, at nagtago. Huwag ikampanya ang wala panalo dahil nagpapanggap na alam ang bawat usapin kahit hindi alam. Kung may duda kayo sa kandidato, huwag na huwag ikampanya at iboto.
Ang maganda sa ganitong kilusan ay wala itong organisasyon. Hindi kailangan ang samahan na may mga kasapian. Ang kailangan ay ang pagnanasang pulitikal ng bawat botante na maihalal ang tamang kandidato. Kailangan ang matinding pagnanasa na ang tamang kandidato ang ihahalal at hindi ang palpak na katulad ng nangyari noong 2016.
Kung nais mong mahalal ang matinong kandidato, kumumbinsi ng sampung kaibigan o kamag-anak na ihalal ang pinakamahusay na kandidato. Kumbinsihin sila na gawin ang ganitong pagkumbinsi sa sampu kaibigan na gawin ang ganoong pagpili. Hanggang dumami ng dumami.
***
PAGHABA-HABA man ng prusisyon, kung matinik ay malalim. Mukhang magsama-sama ang pinakamalaking pamilyang pulitikal upang mapanatili ang pagsasamantala sa bayan. Magsama-sama ang pamilyang Duterte, Arroyo, Marcos at Estrada-Ejercito, o D.A.M.E. Mukhang palabas ang pag-iingay ni Rodrigo Duterte kontra kay BBM.
Sanay lang na nagpapansin sa publiko si Rodrigo. Dahil kahit ang anak na si Sara, hindi siya pinapansin. Alam na lameduck na siya, o lumpong pato bilang presidente. Alam ng mundo na hindi tinatanggap ang kandidatura ng kanyang alalay na si Bong Go.
Mukha wala siyang choice si Rodrigo kundi pumanig sa anak dahil ito ang kanilang paraan upang makaiwas sa pag-uusig ng International Criminal Court (ICC). Ito ang pinakamalaking suliranin ni Rodrigo. Paano sila makakatakas sa ICC na mukhang desidido na usigin sila dahil sa walang humpay na patayan kaugnay sa madugo ngunit bigo digmaan kontra droga.
Totoong kumilos ang habla na crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano noong 2017 sa ICC laban kina Duterte at mga kasapakat tulad ni Bato dela Rosa, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, Jose Calida, Vitaliano Aguirre, at iba pa. Ayon sa alituntunin ng Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC, maaaring maglabas ng arrest warrant ang ICC at ipadampot si Duterte at mga kasabwat.
***
MAGALING ang ating mga sundalo. Kung matino ang presidente, hindi maaari na basta duduruin lang nga mga Intsik ang ating mga sundalo sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea. Tandaan na ang West Philippine Sea ay bahagi ng South China Sea na nakapaloob sa exclusive economic zone ng Filipinas. Hindi ito pag-aari ng China.
Noong 1999, kinakamkam ng China ang Ayungin Shoal, isang balahura (reef) sa WPS. Hindi malaman ng gobyerno kung ano ang gagawin. Nagpadala ang China ng maraming sasakyang pandagat upang paligiran ang balahura at tuluyang kamkamin kahit hindi sa kanila. Si Erap Estrada ang presidente ero walang ginagawa kundi painom-inom lang sa Malakanyang. Si Orly Mercado na kalihim noon ng tanggulang bansa ang abala sa pagharap ng suliranin na iyon.
Ayon sa “Solid Rock,” ang aklat ni Marites Danguilan-Vitug, tinanong ni Mercado ang mga opisyales ng AFP kung ano ang gagawin natin bilang sagot sa ginagawa ng China. May suhestiyon si Vice Admiral Eduardo Ma. Santos, flag-officer-in-command ng Philippine Navy, na gamitin ang mga nabubulok na LST ng bansa sa isyu.
Dinala ng Navy ang BRP Sierra Madre na ginamit noong World War 2 at isinadsad sa Ayungin Shoal. Nilagyan ito ng ilang sundalo na pinapapalitan tuwing ikatlong buwan. Ito ang nagsilbing palatandaan ng Filipinas na atin ang balahurang iyon. Walang magawa ang mga Intsik dahil hindi natin maalis ang BRP Sierra Madre doon.
Hiningi kamakailan ng gobyerno ng China na alisin ang LST doon. Ikinatwiran ng sugo ng China sa Filipinas na may pangako tayo na aalisin iyon. Ngunit sinabi ni Delfin Lorenzana na wala siyang ipinangako na aalisin iyon. Walang makapagsabi kung totoo na may pangako nga tayo. Mukhang hindi natin aalisin iyon. Ito ang tama. Manindigan tayo sa China.
***
MGA PILING SALITA: “Noong panahon na kumakampanya si FVR, ang panawagan ay subukan ang sundalo. Noong panahon ni Erap, subukan ang bobo. Noong GMA, subukan ang mandarambong. Noong Duterte, subukan ang killer. Ngayon, subukan ang adik, pastor, o artista uli. Ayoko na. Puro na lang subok. Nakakasawa na.” – PL, netizen
“Ang trabaho ng isang magnanakaw ay magnakaw at hindi mag-presidente.” – Leisbeth Recto, netizen
“Don’t get confused. The Mutual Defense Treaty and the Military Bases Agreement are two different agreements, which our country has entered with the U.S. Under the Military Bases Agreement, the Philippines hosted U.S. installations in our country. That treaty ended in 1991 and the bases – Clark Air Base and Subic Naval Base – are no longer around. They have been transformed for civilian use. It’s no longer feasible to have new U.S. bases here because the 1987 Constitution prohibits foreign bases here… Besides, we have new agreements with the U.S. – VFA and EDCA. The Mutual Defense Treaty is different from the Military Bases Agreement because the former requires automatic assistance to the other in case of external aggression or vice versa. Nowhere in the Mutual Defense Treat a provision, where the U.S can put up military bases here.” – PL, netizen
“The PH Navy deliberately ran BRP Sierra Madre aground in Ayungin Shoal in 1999. That patriotic and heroic act was in response to China’s occupation of Mischief Reef in 1995. It showed that PH can stand up to China without going to war.” – Sonny Trillanes