Advertisers

Advertisers

Atapang Atao!

0 249

Advertisers

Kapanganakan ngayon ng magiting na si Andres Bonifacio, ang nagtatag ng Katipunan. Isinalang siya noong ika-30 ng Nobyembre 1863 sa Tondo, Manila kina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro, Bale 158 na ng birth anniversary ng tinatawag na Supremo.

Lumaban siya sa mga mapangaping mga prayle at mga opisyal na Kastila,

Kaya kung ngayong panahon siya nabuhay ay tiyak kabaka siya ng mga kontra sa mga pagmamalabis ng mga taong gobyerno.



Gigisingin niya ng kanyang tabak at panulat ang mga natutulog na diwa ng mga Pinoy kabilang na ating mga manlalaro. Hindi uubra sa kanya ang mga nagbubulag-bulagan na mga basketbolista at iba nating mga atleta.Matapang talaga sa salita at sa gawa.

***

Narito ang latest sa Pink Wednesday sa higanteng korporasyon ni RSA. Ayon sa ating ibong bubwit ay hinahayaan itong magpatuloy nguni’t hindi na raw maaaring banggitin ang eksaktong pangalan ng kumpanya. Oks na rin kay sa pigilan ang lingguhang pagkilos. Nag-iingat lang din ang mga matataas na pinuno ng tagagawa ng serbesa. Batid nila kasi na mapaghiganti ang kasalukuyang administrasyon. Baka daw pag-initan sila. Naku lalo na makiisa mga taga-PBA nila.

***

Nakakapika ang mga sigalot sa pagitan ng mga atleta at kani-kanilang mga National Sports Association (NSAs).



Noon yung kina Wesley So at Philippine Chess Federation ay nagresulta ng pag-migrate ng atin kampeon sa ajedrez na mag-migrate sa Estados Unidos.

Ngayon naman may away sina Ernest Obiena at PATAFA at may alok na multiple passport sa mahusay sa pole vault.

Pero may balita may ilang bansa na interesado sa atleta bago pa ang kontrobersya. Numero 5 na siya kasi buong mundo Dati ay #30 lamang siya. Mabilis kanyang pag-asesnso.

Eka ni Tata Selo dapat ating mga manlalaro inaalagaan nang mabuti at hindi pinababayaan. Pagmamahal pero hindi naman kukunsintihin sa mga maling gawi.