Advertisers

Advertisers

Team Dasma semifinalist na

0 387

Advertisers

PASOK sa semifinals ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League ang Team Dasma bilang top seed sa Pool B.

Ito ay matapos makumpleto ng Monarchs ang 25-20,25-21,25-23, sweep sa Sabong International Spikers Miyerkules sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa City, Batangas.

Tinapos ng Team Dasma ang group phase ng kumpetisyon sa 3-0 rekord sa Pool B at papasok sa semis na No.1 seed. hihintayin nila ang No.2 seed mula Pool A, either Manileno Spikers or Basilan Steel Spikers.



Samantala, hihintayin ng Sabong International Spikers ang resulta ng laro sa pagitan ng MRT-Negros at Global Remit para malaman kung makapaglaro sila sa semifinals.

Tinapos nila ang group stage sa 1-2 win-loss rekord.