Advertisers

Advertisers

Sila ang malaking bloke sa eleksiyong darating

0 215

Advertisers

KABATAAN partikular na ang mga nasa kolehiyo ang magsisilbing malaking bloke ng panggagalingan ng boto para sa darating na halalang 2022.

Ngunit sila rin ang malaking bilang ng populasyon ang lito sa pagtukoy kung ano ang ‘fake news’ at hindi.

Bakit ka niyo? Dinadaan na kasi sa ngayon ang pangangampanya at pagpapakilala sa mga kandidato sa social media na pangunahing pinagmumulan ng fake news. Ang mahirap kasi, sa panahon ngayon, nagagawang totoo o naiimpluwensiyahan ng fake news ang ating mga desisyon o paniniwala.



Nakakatakot ito. Isa itong panlilinlang na di agad mawari lalo na ng ating mga kabataan. Sa fake news ang mali ay nagiging tama. Di na ko magbibigay ng halimbawa.

Panawagan ito sa ating mga kabataan na maging mapanuri sa lahat ng nakikita, nalalaman o naririnig na galing sa social media, ang makabagong daan ng propaganda para sa darating na halalan.

Nakababahala ang ganitong mga pamamaraan, kailangan ng ating mga kabataan na magbantay, pag-aralang sumipat ng tunay na balita at impormasyon kumpara sa fake news. Hindi kinakailangang maimpluwensiyahan ng fake news ang ating mga kumpiyansa sa ating mga sarili.

Bantayan nating maigi ang isa’t isa lalo na kung ito ay naigiya na ng fake news. Kailangang maitama agad ang kanilang paniniwalang nanggaling lamang sa fake news.

Ang sektor ng kabataan ang guguhit ng kinabukasan ng bansa sa pagpili kung sino ang susunod na mamumuno sa bayan. Sila din ang sektor na target ng fake news. Ang mga nagkukubli dito ay may masamang hangaring sinusulong para mahawakan ang liderato ng bayan.



Maging mapagmasid, maghanap ng tamang mga taong nakakakilala agad ng fake news sa hindi, nang sa gayon ay magabayan kayo ng tama.

Dahil kapag nagkamali tayo ng pili sa maling kandidato, pihadong sadlak na naman tayong muli sa kahirapan. Kaya’t bantayan niyo ang inyong hanay. Hindi ba’t sabi nga ni Jose Rizal “kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Gawin niyong totoo at huwaran ang tinuran ng ating pangbansang bayani.